ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 22, 2023
Nakapagtala ng mas mataas na seismic activity ang Bulkang Kanlaon na may 15 volcano-tectonic earthquakes mula 3:58 a.m. hanggang 5 a.m., ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong Miyerkules.
"These earthquakes ranged in energy from magnitude 1.4 to 4.2 and occurred at depths of zero to 2 kilometers beneath the northern flank of the Kanlaon range," sabi ng Phivolcs sa isang advisory sa ganap na alas-8 ng umaga.
Napansin din ang pagtaas ng volcanic sulfur dioxide (SO2) emission mula 570 tonelada kada araw noong Mayo 1 hanggang 1,017 tonelada kada araw noong Nobyembre 14.
Pinayuhan ng Phivolcs ang publiko at mga lokal na pamahalaan na mag-ingat at iwasang dumaan sa permanent danger zone na may layong apat na kilometro dahil sa mas mataas na posibilidad ng bigla at delikadong phreatic eruptions na maaaring maganap "nang walang abiso" sa Bulkang Kanlaon, na nananatiling nasa Alert Level 1.
"Should the above uptrend in monitoring parameters persist, the volcano status may be raised to Alert Level 2 to warn of increasing unrest," saad ng Phivolcs.
Comments