top of page

Bulkang Kanlaon, sumabog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 1 min read

by BRT @News | February 19, 2026



Bulkang Kanlaon

Photo: Phivolcs



Muiling sumabog at naglabas ng mataas na abo nitong kahapon ng hapon ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island.


Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang malakas na pagsabog ng bulkan alas-4:40 ng hapon.


Batay sa 24-oras na monitoring ng Phivolcs hanggang alas-12:00 ng hatinggabi nitong Huwebes, nagkaroon ng 10-volcanic earthquakes sa paligid ng bulkan.

Bago ang malakas na pagsabog, nagbuga rin ang bulkan ng makapal na usok na umabot sa 150 metro ang taas.


Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok at pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa loob o malapit sa 4-kilometer radius permanent danger zone.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page