Bulag-bulagan kahit napakaraming ebidensiya…Spox Roque, tantanan ang pagsasabing walang anomalya
- BULGAR
- Oct 21, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 21, 2021
KUNG SI MICHAEL YANG SABIT SA PS-DBM-PHARMALLY SCAM, SABIT NAMAN SI DENNIS UY SA MALAMPAYA-UDENNA ANOMALY—Matapos sumabit sa multi-billion scam ng PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management) at Pharmally Corp. ang kaibigang Chinese national ni P-Duterte na si Yang Hong Ming, aka Michael Yang, isang Fil-Chinese na kaibigan din ng pangulo na si Davao City-based businessman Dennis Uy, kasama si Energy Sec. Alfonso Cusi ang sinampahan naman ng kasong graft and corruption sa Ombudsman kaugnay sa “midnight deal” sa pagbebenta umano ng pamahalaan ng Malampaya Gas shares sa Udenna Corp. na pag-aari ng Fil-Chinese businessman.
Dahil d’yan, asahang “mag-aabogado” na rin si P-Duterte kay Dennis Uy, ipagtatanggol na rin niya ito sa isyu ng katiwaliang kinasasangkutan nito, tulad nang ginagawa niyang pagtatanggol kay Michael Yang.
Kilala si P-Duterte na “nag-a-abogado” para ipagtanggol ang kanyang mga kaibigan na nasasangkot sa mga katiwalian, boom!
◘◘◘
PAG-AARI NG TAUMBAYAN ANG PTV-4 KAYA MALI NA GAMITIN ITO NI P-DUTERTE SA PAMUMULITIKA LABAN KAY GORDON—Sa talk-to-the people gamit ang PTV 4 na pag-aari ng bayan, nanawagan si P-Duterte sa mga botanteng Pinoy na huwag iboto ang re-eleksiyunistang si Sen. Richard Gordon, ang senador na nag-iimbestiga sa pang-i-scam na ginawa ng PS-DBM at Pharmally Corp. na pag-aari ng mga wanted sa Taiwan sa kasong fraud na may konek kay Michael Yang.
Mali ang ginagawang ‘yan ng pangulo na gamitin ang PTV 4 sa kanyang pamumulitika bilang ganti kay Gordon na nag-iimbestiga sa BFF niyang si Michael Yang at sa iba pang sangkot sa scam kasi ang TV network ay pag-aari ng mamamayan at hindi pag-aari ni P-Duterte, period!
◘◘◘
DAPAT TANTANAN NA NI ROQUE ANG KAKASATSAT NA WALANG KATIWALIAN KASI MARAMING EBIDENSIYANG LUMABAS NA MAY KATIWALIAN SA PS-DBM-PHARMALLY DEAL—Dapat tantanan na ni Presidential spokesman Harry Roque ang pagsasabing walang naganap na anomalya sa deal ng PS-DBM at Pharmally Corp., na kesyo pamumulitika lang ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
Marami na kasing naglabasang ebidensiya na pagpapatunay na may katiwalian naganap dito, at dapat isalpak ni Roque sa kanilang isipan na hindi engot ang majority Pinoy para maniwala sa sinasabi nilang walang korupsiyon sa transaksiyon ng PS-DBM at Pharmally Corp., boom!
◘◘◘
SA PANAHON LANG NI P-DUTERTE NANGYARI NA MAY HIGH RANKING OFFICIAL NG OMBUDSMAN NA NASANGKOT SA SCAM—Bukod kina Michael Yang, former PS-DBM Usec. Christopher Lloyd Lao at sa mga executives ng Pharmally Corp., at kabilang din sa kakasuhan ng Senado na may kaugnayan sa katiwalian ay si newly appointed Deputy Ombudsman Warren Liong, dahil noong director pa ito ng PS-DBM ay kasama ito sa mga sangkot sa pang-i-scam sa pera ng bayan.
Grabe, ha? Ngayon lang nangyari sa administrasyon ni P-Duterte na may high ranking official ng Ombudsman na nasangkot sa katiwalian, buwisit!





Comments