top of page
Search
  • BULGAR

Bukod sa Shopee… BAGONG ENDORSEMENT NI TONI, IPINABOBOYKOT DIN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 20, 2022


Luh! Nakakalokah ang mga bashers ni Toni Gonzaga, kinarir ang pamboboykot sa TV host-actress.


Kung nu'ng una, ang Shopee endorsement ni Toni ang pinag-initan ng mga bashers niya na obviously, karamihan ay mga diehard Kakampink, at ibinoykot nila ang Shopee nang ang misis ni Direk Paul Soriano ang ginawang endorser para sa 10.10 Brand Festival Sale, ngayon naman ay nananawagan sila sa Twitter na ang bagong endorsement ni Toni ng appliances ang 'wag bilhin.


"Guys, let’s add another one to BOYCOTT. EUREKA HOME APPLIANCES. Gusto rin ata niyang ma-experience ang dinanas ng ShopeePH," nabasa naming panawagan ng Twitter user na si Clive Reyes, Jr..


May ilang um-agree sa kanya na iboykot si Toni dahil 'enabler' daw ito sa pagiging solid P-BBM supporter at inaanak pa sa kasal ng pangulo.


Komento naman ng isang Mark Lacson, "Good. Ano pa ba ang inendorso ni panga para ma-boycott."


Samantala, may mga nabasa rin kami sa Twitter na reklamo ng mga online sellers ng Shopee na diumano, matumal ang benta nila mula nang maging endorser si Toni Gonzaga. Epekto raw ito ng pamboboykot ng mga Pinklawan sa TV host-actress.


Grabeh sila!!! Buti na lang at na-master na ni Toni ang "the art of dedma" kaya kahit anong banat at pamba-bash sa kanya ng ilang bitter na Kakampink, hindi naaapektuhan ang misis ni Direk Paul Soriano na ngayon naman ay Presidential Adviser for Creative Communications ni Pangulong Bongbong Marcos.


Katwiran siguro ng mag-asawa, "The more you bash us, the more we are blessed."

'Yun na!!! Ang pikon, talo!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page