Bukod sa puyat lagi… ANGELICA, MAS HIRAP SA PAGPAPADEDE KESA SA PANGANGANAK
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 18, 2022

Dahil nga first-time parents, aminado sina Angelica Panganiban and fiancé Gregg Homan na na-surprise sila sa mga challenges ng pag-aalaga ng baby sa first couple of weeks tulad ng puyatan at breastfeeding.
“Parang puyat na ako ever since six years old ako pero iba pala ‘yung puyat ‘pag may inaalagaan kang bata, 'pag meron kang ganoon kalaking responsibilidad,” pagbabahagi ni Angelica sa latest vlog nila ni Gregg.
“Parang wala kang ibang naririnig kung hindi 'yung hikbi niya, ‘yung mga konting tunog na mga sounds na gagawin niya, talagang magigising ka,” dagdag niya.
Pagdating naman sa breastfeeding, ayon kay Angelica ay mas mahirap pa raw ito kaysa sa panganganak.
“'Yung breastfeeding kasi, parang mas mahirap siya (kesa) sa labor. Kasi ‘yung labor, alam mong may katapusan, alam mong parang 24 hours maximum siguro, tapos ka na, 'di ba? Matatapos at matatapos din ‘yan.

“Pero ‘yung breastfeeding, parang wow! Ilang taon ‘to, di ba? Ilang taon ‘yung commitment na gagawin mo? Discipline, ‘yun nga, ‘yung commitment, ‘yung pain na titiisin mo para lang mapakain ‘yung anak mo,” aniya.
Kaya talagang saludo raw siya sa lahat ng padede moms dahil hindi talaga ito madali.
Nagbigay din ng update ang engaged couple tungkol sa inirereklamo nilang fake account na The Homans sa Facebook.
“Kailangan naming i-warn ‘yung public, kasi mayroong gumagaya sa page namin sa Facebook na ‘The Homans,’ so, wala silang ibang ginawa kundi i-report kami nang i-report, ‘yung official account namin, para ma-take down ‘yung official account and lumabas na sila ‘yung totoong account,” sey ni Angelica.
Not only that dahil nanghihingi raw ito ng pera sa mga followers.
Kaya sey ni Gregg, “So, if you get any messages from anybody saying that’s us, don’t believe them. We will never ever ask for money. We’ll never give away anything and ask for money in exchange.”
Kasalukuyang inaayos na raw nila ang problema and hopefully nga ay malutas ito. Kaya humingi rin ng tulong ang couple sa mga netizens para matanggal ang fake account dahil sa ngayon daw ay ito ang pinaniniwalaan ng Facebook na totoong account.
“Sana ‘eto, sa paraan na ‘to, matulungan n’yo kami na ma-take down ‘yung page nila dahil sa ngayon kasi, ang pinapaboran ng Facebook, eh sila, hindi kami,” sey ni Angelica.
Sinabi rin nila na hangga’t hindi nga raw natatanggal ang fake account ay hindi muna nila ipapakita ang baby nila sa publiko.
“Sana maipakita namin sa inyo ‘yung baby namin soon, pero gusto naming gawin ‘yun ‘pag wala na ‘yung fake account,” sabi nina Angelica at Gregg sa kanilang latest vlog sa YouTube.
“Dahil hindi naman namin gusto na pati inosenteng bata, isama nila sa mga napakamalisyoso nilang. . .” sey pa ni Angge.
Kaya sa ngayon ay ipagdadamot daw muna nila si Baby Bean.
Ani Angelica, “As much as gusto namin siyang i-share sa inyo dahil proud na proud kami sa kanya. . .” singit ni Gregg, “Ipagdamot muna namin.”
Sey ulit ng aktres, “Oo, hindi namin magawa kasi sobrang sasama ang loob ko nu’n. Baka ma-trigger ‘yung post partum ko ‘pag nakita ko siya sa isang fake page na hindi kami. At ang ginagawa niya ay nanghihingi lang siya ng pera sa mga inosenteng tao, 'di ba?
“So, hindi naman maganda na mag-grow pa nang mag-grow ‘yang fake page na ‘yan,” aniya pa.





Comments