top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bukod sa icing lick... VICE, NAG-F*CK YOU SA IT'S SHOWTIME, PIKTYUR KUMALAT

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 24, 2023
3 min read

Updated: Sep 25, 2023

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 24, 2023



May nagpadala sa amin ng picture ni Vice Ganda habang nasa It's Showtime ito kung saan makikitang naka-dirty finger ang TV host-comedian.


We asked the sender if edited ba ang picture o totoong ginawa ito ni Vice at aniya, ang naturang larawan ay kuha sa Apr. 23, 2022 episode ng It's Showtime.


Ngayon lang kumalat ito dahil nga sa naging controversial icing lick incident nina Vice Ganda at Ion Perez sa It's Showtime na dahilan kaya pinatawan ng 12-day suspension ang noontime show.


It seems gustong ipamukha ng naglabas at nagkalat ng naturang larawan na may matibay talagang basehan ang MTRCB para suspendihin ang It's Showtime dahil hindi lang ang naturang icing lick incident ang first violation ng show.


Marami kasi ang kumondena sa MTRCB at tinawag na biased dahil sa ipinataw na desisyon sa It's Showtime.


Samantala, tinanong namin ang aming source kung ano namang aksiyon ang ginagawa ngayon ng MTRCB sa iba pang noontime shows para hindi masabihang unfair at biased.


Aniya, ang alam niya ay pinag-aaralan din ng MTRCB ang ilang reklamo sa ibang noontime shows, pero dahil nag-sorry naman na si Wally Bayola ng E.A.T. ay mukhang hindi na ito umabot sa ahensiya, ganu'n din ang nangyari sa Batang Quiapo noon ni Coco Martin since nag-issue naman agad ng public apology ang produksiyon ng Kapamilya serye.


Sa kaso ng It's Showtime, feeling ng aming source, kaya ito tinuluyan ng MTRCB ay dahil bukod sa hindi na tinatanggap ng programa at nina Vice at Ion na may mali silang ginawa, tipong nagmamalaki pa raw ang Unkabogable Star at palaban sa ahensiya.


Well, hintayin natin kung may paliwanag naman si Vice at ang It's Showtime sa kumakalat ngayong larawan ng TV host na naka-dirty finger.




Natuwa kami kay Joshua Garcia dahil hindi pa rin pala ito nagbabago mula nang una naming makapanayam nu'ng hindi pa kalakihan ang pangalan niya sa showbiz.


Very accommodating pa rin ang magaling na aktor and yes, buong-tiwalang inamin sa aming mga press people ang relasyon niya ngayon sa French-Filipina golfer-athlete at internet personality na si Emilienne Vigier.


Sa one-on-one after ng mediacon kahapon ng latest barkada movie na Fruitcake, diretsong sinabi ni Joshua na ayaw naman niyang mag-deny sa relasyon nila ni Emilienne lalo't very open sila sa social media sa kanilang mga pictures together.


Gusto lang daw niya ay magkaroon naman ng privacy this time dahil napapansin daw niya na kapag masyadong open sa publiko ang kanyang relasyon, nasisira ito.


Naiintindihan naman daw ng kanyang GF ang trabaho niya bilang aktor at okay lang din dito na magkaroon sila ng konting privacy.


Para kay Joshua, "What you see is what you get na lang". Ang mahalaga nga ay umamin na siya at walang idinenay.


Anyway, napaka-humble naman ni Joshua at ayaw amining siya ang bida sa Fruitcake, marami raw silang bida rito dahil 17 silang bumubuo sa cast at kasama rin niya sina Heaven Peralejo, Ria Atayde, Jane Oineza, Empoy Marquez, KD Estrada, Karina Bautista, Kyla Estrada, Dominic Ochoa at marami pang iba.


Ani Joshua, mas masaya siya 'pag marami silang magkakasama sa movie at hindi naman pressure sa kanya na walang ka-love team dahil mas challenging para sa kanya ang mag-try ng iba't ibang roles as a solo actor.


Mula sa panulat at direksiyon ni Joey Ferrer, ang Fruitcake ay mula sa produksiyon ng Cornerstone Studio, Star Magic at Create Cinema at malapit nang mapanood ngayong Kapaskuhan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page