top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bukod pa ang damit at shoes… SUOT NA ALAHAS NI SHARON SA ASAP, NASA P50 MILYON!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 17, 2022
3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 17, 2022


Nangabog ang suot na alahas ni Megastar Sharon Cuneta sa ASAP Natin ‘To last Sunday.


Halos kabugin ng laki ng mga diamante sa mga alahas ni Mega ang bato ni Darna.


Super-nagkikislapan ang bato ni Mega habang nagpe-perform para sa production number ng Pambansang Pagwawakas ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ASAP.


Kuwintas pa lang ni Mega, tantiya namin ay 'di bababa sa P10 M, ha? Tadtad kasi ng naglalakihang bato.


Bukod sa malalaki, sinusukat din ang halaga ng diamond sa cut at brilyo nito. Dahil sa mega-kislap ang mga bato, walang duda na to the highest level ang clarity ng mga diamonds sa kuwintas ni Mega.


And what about 'yung pair of dangling earrings niya na may maliliit na bato na nakadikit sa tenga plus ang malalaking bato pa na nakalaylay dito?!


Agaw-pansin din ang dalawang singsing sa magkabilang daliri sa dalawang kamay ni Mega tuwing hawak niya ang microphone, ‘noh!


Kung susumahin ang suot na alahas ni Mega sa ASAP Natin ‘To last Sunday, posibleng aabot sa P50M lahat ang halaga nu'n.


Pero waley pa d'yan ang outfit ni Mega at ang kanyang signature shoes, ha?


Walang takot at buong-tapang na idinispley ni Mega ang ilan lamang, for sure, sa mga nakatagong alahas niya. Feeling safe naman kasi si Mega sa loob ng ABS-CBN.


Mukhang palaban at may gustong patunayan si Mega kaya todo-display siya sa kanyang mga alahas.


Ang dami kasing nagne-nega kay Sharon kahit tapos na ang eleksiyon. Ayaw nilang tantanan si Mega na feeling namin, may kinalaman sa kasikatan at kayamanan ang pamba-bash sa kanya ng mga netizens, kaya may-I-display siya ng kanyang mga alahas.


During the interview kay Mega sa ASAP, tila may parinig siya sa mga bashers niya.


Nagpatutsada si Mega sa mga bashers niya at tinawag na “mababaw” ang mga ito. May kinalaman ang pang-bash sa kanya during her eulogy sa wake ng yumaong Movie Queen na si Susan Roces.


“I will talk myself again just like what I did in eulogy? Like I was accused of doing because, that was not my first eulogy, I’m sorry. And I never talked about myself because that’s the only way I could get cross the kind of impact the Poe’s had in my life. Not only for Tita Susan (Roces) who’s eulogy supposed to be, but also to the whole Poe's family, especially FPJ,” panimula ni Sharon.


She was asked kasi ano ang best memory niya kina FPJ at Susan.


“I could not express and make kuwento how much they meant to me and what they did to my life as an actor and as a person without including myself sa kuwento.


“I’m sorry if it came across to some of few like that. Napakababaw ninyo. I'm sorry, diretso lang ako. But it was really from the heart,” banat ni Mega.


Pagpapatuloy pa niya, “And right now, para sa kanila, mas special na di hamak ang pagsali ko sa Ang Probinsyano dahil I know, parte ito ng legacy ni Fernando Poe, Jr. na binigyan ng bagong buhay ni Coco Martin. And I’m sure ikinaligaya ni Tita Susan Poe at siyempre ni Grace Poe at ng buong pamilya nila. I’m very honored and that’s all that matters to me. I love them.”


Naghayag din si Mega ng kanyang pasasalamat kay Coco sa pagsama sa kanya sa Ang Probinsyano.


“Nagpapasalamat ako sa 'yo, Coco, dahil ikaw ang nakaisip na isama ako sa napakagandang programang ‘to. Binigyan mo ako ng pamilya. Binigyan mo ako ng something to look forward to tuwing may bagong cycle tayo. Tuwing umaalis ako ng bahay, hindi mabigat ang loob kundi napakasaya ko araw-araw. Maraming-maraming salamat sa respetong ipinakita mo sa akin, sa inyong lahat, na nagpakilala ulit sa akin kung sino ako,” sabay iyak ni Mega.


Nagpasalamat din si Mega sa pagtanggap ng mga viewers sa karakter niya bilang si Aurora sa Ang Probinsyano.


“Kaya ka minahal bilang si Cardo dahil kailangan ng bansa ng bayani. Kaya kayo minahal ng Task Force Agila. Sana, Lord, ang wish ko, magkaroon ng tunay na Cardo, saka ng Agila, ang bansang ito.


“Pero, ang pinakahigit sa lahat, ang wish ko, gumawa ka ng part 2 dahil buhay pa naman kami ni Oscar (Rowell Santiago). At buhay pa naman kayo ni Mara (Julia Montes). Puwede pa nating itawid ito, Anak,” sabi pa ni Mega.


Agree kami kay Mega.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page