top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bukod kina Julie Anne at Winwyn, may 2 pa… ALDEN, BUKING NA MORENA ANG TYPE SA BABAE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 28, 2023





Ang Sparkle GMA Artist Center ang sumagot sa isyu ng nakaraan nina Alden Richards at Julie Anne San Jose. Maiksi lang ang sagot ng Sparkle kay Boy Abunda na siyang nag-interview kay Alden sa show niyang Fast Talk with Boy Abunda.


“Julie is ok now. It’s all in the past,” pahayag ng Sparkle GMA Artist Center.


Bitin ang mga netizens sa pahayag nilang ito at ang request nila, sana ay ma-interview si Julie ni Boy sa kanyang show.


Wala si Julie sa line-up ng mga guests ni Boy sa pilot week ng Fast Talk with Boy Abunda, pero baka sa second week, kasama na ang singer-actress. Aabangan ng mga netizens at Kapuso viewers kapag nag-guest si Julie dahil marami silang gustong malaman.


Sa guesting ni Alden sa show ni Boy at sa pag-aming muntik niyang maging girlfriend sina Julie at Winwyn Marquez, lumalabas daw na morena ang type ng aktor.


Gusto naming maniwala dahil ang dalawa pang nali-link kay Alden na Kapuso actresses din ay parehong morena. Saka na natin pangalanan kung sino sila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page