Bukod kina Andrea at Gillian, buking sa IG… DANIEL, MAY VIETNAMESE GIRL PA
Updated: Dec 9, 2023
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 6, 2023

Nang umamin na si Kathryn Bernardo na tinapos na nila ni Daniel Padilla ang kanilang relasyon, isa-isa na ring lumutang ang mga babaeng diumano ay nagkaroon ng kaugnayan sa actor tulad nina Andrea Brillantes at Gillian Vicencio.
Pero bukod pala sa dalawa, may Vietnamese girl din daw ang nabuking ni Kathryn na ka-secret affair ni Deej.
Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, nabuking ni Kathryn na gumagamit ng ibang name si Daniel sa Instagram para makausap ang naturang Vietnamese girl.
Ilang beses na raw nabuking ni Kathryn ang pambababae ni Deej pero pinatawad niya ang nobyo.
Hanggang sa umabot na nga sa sukdulan ang lahat at hindi na kinayang tiisin ni Kathryn lalo na’t ang mismong malalapit niyang kaibigan na ang nagpapatunay na nambababae nga si Daniel Padilla.
Maging ang pamilya ni Kath ay pinayuhan na rin siya tungkol sa relasyon nila ng actor, kaya nagdesisyon na ang aktres na makipaghiwalay na nang tuluyan.
Samantala, nakarating na rin sa tiyuhin ni Deej na si Sen. Robin Padilla ang paghihiwalay nina Kathryn at Daniel. Ayon nga kay Robin, hindi naman siya nagkulang sa pagbibigay ng advise kay Daniel. Lagi niyang ipinaaalala sa pamangkin na huwag na huwag gagayahin ang pagiging chickboy niya at ng erpat ni Daniel na si Rommel.
Aminado naman si Sen. Robin na ang Padilla boys ay habulin talaga ng chicks. Labis siyang nanghihinayang sa paghihiwalay nina Daniel at Kathryn dahil matagal ding naging magkarelasyon ang dalawa.

Masuwerte si Janella Salvador dahil nakabalik pa rin siya sa showbiz kahit isa na siyang mommy ngayon. Palibhasa’y talented at magaling umarte, kinuha siyang muli ng mga producers kahit na hindi na pang-leading lady ang porma niya.
Hindi na siya ang Janella Salvador na nagpapakilig sa rom-com movies. Seryosong aktingan na ang kanyang ginagawa. At suwerte talaga si Janella dahil si Piolo Pascual ang kanyang kapareha-katrabaho sa pelikulang Mallari na pumasok sa MMFF 2023.
Malaking project ang Mallari dahil ginastusan nang husto ng Mentorque Productions. Hindi lang ito isang ordinaryong horror film dahil historical at may tatlong henerasyon. Tatlong characters din ang gagampanan ni Piolo.
Puwede itong ihanay sa mga horror films ng ilang Asian countries kaya naman agad na nagustuhan ng Warner Bros. na siyang magdi-distribute ng Mallari abroad.
Sanay na sa horror movies si Janella Salvador. Ang launching movie niya noon ay ang Haunted Mansion na horror ang tema. Nasundan pa ito ng ilang horror projects tulad ng Bloody Crayons at The Killer Bride.
Si Janella Salvador na raw ang pumalit kay Kris Aquino bilang Horror Queen. Ayaw na sana ni Janella na gumawa pa ng horror movie pero nang dahil kay Piolo Pascual na bida sa Mallari ay tinanggap niya ang project.
Hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng chance na makatrabaho ang isang Piolo Pascual kaya ginalingan din niya ang pag-arte.





Comments