top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bukod kay Ion… VICE, INAMIN ANG 2 PANG LALAKING NAGBIGAY-SAYA SA BUHAY NIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 18, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 18, 2022




Ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang latest vlog kasama ang dyowang si Ion Perez kung sino ang mga taong nagmarka sa kanya sa taong 2021.


Una niyang binanggit ang co-host niya sa It’s Showtime na si Vhong Navarro.


"Isa si Vhong sa mga main sources ko, ang saya bago matapos ang 2021. Kasi ‘yung last part ng 2021, unti-unti na naming nabubuo ulit 'yung Showtime.


“Feeling ko nu'ng nanumbalik 'yung energy ni Vhong, nu'ng nanumbalik 'yung kumpiyansa niya, nu'ng nanumbalik 'yung saya sa mata niya, feeling ko, ang laki ng epekto sa akin,” sey ni Vice.


Dagdag niya, “Sumasaya ako dahil sa kanya. Tapos, nu'ng sumasaya ako, feeling ko, mas lalo kong naibibigay ‘yung dapat kong ibigay sa Showtime. ‘Yung ganu'ng vibe ni Vhong, nakakagaling. Parang gumagaling ako 'pag ganu’n si Vhong.”


Pangalawa niyang sinabi ay si Ogie Alcasid na bagong co-host nila sa show.


“Ang laki nu'ng naibigay niya noong dumating siya sa Showtime. May ibinigay siyang bagong lasa, eh,” sey ni Vice tungkol kay Ogie.


Dagdag naman ni Ion, hindi nila in-expect na ganu’n pala si Ogie.


“Oo, ganu’n pala kasalaula ‘yung Ogie Alcasid,” sambit naman ni Vice.


“Silang dalawa ni Vhong Navarro together, they made my work a lot easier and they made my hosting a lot happier. Silang dalawa, 'pag kasama ko sila, feeling ko, gumagaling ako dahil sa kanila. And hopefully, ganu'n din ako sa kanila. Sana, kapag kasama nila ako, gumagaling din sila. Sana, naibibigay ko rin 'yung naibibigay nila sa akin,” patuloy niya.


Kaya sina Vhong at Ogie raw ang sa tingin niya ay may malaking kontribusyon sa kanyang happiness last year at nagsara ang 2021 na happy siya dahil sa mga magagandang nangyari sa show.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page