top of page

Bukod kay Gerald… IVANA, PURO HUBAD NA LALAKI ANG KASAMA SA TAPING

  • BULGAR
  • Mar 11, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 11, 2022



ree

Tuluy-tuloy nang gumigiling ang kamera para sa A Family Affair starring Ivana Alawi, Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake at Jake Ejercito.


Sa Masbate ginaganap ang locked-in taping ng grupo.


Unang kinunan ang eksena nina Ivana, Sam at Gerald, pero magkakahiwalay. Eksena with Ivana and Sam muna tapos Ivana and Gerald.


Bale ito ang launching ni Ivana as a full-time actress. Siya ang leading lady nina Gerald at Sam.


May scene na kinukunan sa beach kung saan topless ang mga leading men na kahalubilo si Ivana.


Wala pang ibang detalyeng inilalabas ang ABS-CBN sa kabuuang istorya ng launching teleserye ni Ivana.


But ang sigurado, once na nagtuluy-tuloy na ang promo ng A Family Affair, masesentro na naman ang intriga kay Gerald at magagamit ang pangalan ng girlfriend niyang si Julia Barretto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page