top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bukod kay Beauty... BONG, MAY IBANG BABAE PA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 18, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 18, 2023





Kay Congw. Lani Mercado namin nalamang hindi lang isa kundi "plural daw" (meaning marami) ang makakapareha ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa sitcom na pagbibidahan nito, at ang GMA-7 daw ang kasama sa pumili o pipili.


In-announce na nga na sina Beauty Gonzalez at Max Collins ang mga leading ladies ni Bong sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Ang hula namin, si Beauty ang gaganap na misis ni Bong sa sitcom. Ang role ni Max ang hindi pa namin alam, pero kapareha rin siya ni Bong.


Kasama rin sa cast sina Pokwang, Kate Valdez, Kelvin Miranda at Niño Muhlach.


Ang nabasa namin, dalawa ang directors ng sitcom at ang isa ay si Frasco Mortiz, anak ni Direk Bobot Mortiz.


Sa May na ang sinasabing airing ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis at natatandaan naming sabi ni Bong, this April na sila magsisimulang mag-taping.


Tinatanong din kung ang sitcom ba niya ang papalit sa mawawalang Daddy's Gurl o may iba itong time slot?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page