top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Buking sa Zoom meeting, together again… DOMINIC, SA BAHAY NI BEA NA ULI NATUTULOG

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2024
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 4, 2024





Tiyak na matutuwa ang mga fans nina Dominic Roque at Bea Alonzo sa mga tsikang lumalabas ngayon tungkol sa kanilang idolo na tila road to reconciliation (o baka reconciled na?) na ang ex-lovers.


Sa latest vlog ni Ogie Diaz with Mama Loi ay may mga bagong rebelasyon silang ibinahagi tungkol sa BeaDom relationship.


Ayon kay Ogie, according to fellow writer-vlogger Jobert Sucaldito ay narinig daw sa isang Zoom meeting ni Dominic ang boses ni Bea in the background.


"Gusto kong i-quote si Jobert Sucaldito. Dahil daw sa isang Zoom meeting kasama si Dominic Roque ay hindi nai-mute ni Dominic ‘yung kanyang microphone du’n sa Zoom meeting. Kaya na-overhear ng mga ka-meeting nila sa Zoom ‘yung something like 'Hun, you like tacos?’” tsika ni Ogie.


Isa rin daw source ang nagsabi sa kanya na bago tumungong Singapore si Bea ay natulog si Dominic sa bahay nito.


"Eto naman, meron ding nagsabi sa akin, ewan ko kung totoo ito, ha? Kasi importante sa kanila natin marinig, kay Bea at kay Dominic, kung totoo na bago mag-Singapore si Bea kasama ang family, eh, du’n pa natulog sa kanya si Dominic,” sabi ni Ogie.


“May nagsabi lang sa akin na before she left for Singapore, eh ‘yun nga, natulog daw du’n si Dominic. 'Di ko naman alam kung sa’ng bahagi ng bahay ni Bea natulog si Dominic,” dagdag pa niya.


Ayon naman sa isa pa niyang source, muli raw nagkita ang BeaDom after ng Singapore trip ng aktres.


"Pero ‘yung malinaw sa akin na ikinuwento, ewan ko lang kung totoo din, ah, importante, marinig natin sa kanila, na after ng Singapore naman ay nagkita ulit sila. Pumunta ulit doon si Dominic at nakatulog daw sa sala, sa sofa,” sey ni Ogie.


Anyway, if true, good news ito para sa BeaDom fans, pero siyempre, tama rin naman si Ogie na kailangang manggaling sa dalawa ang kumpirmasyon.




Puro shopping lang daw kasi… MAINE, HINIRITAN NA NG APO NG TATAY NI ARJO




Apo ang hirit ng tatay ni Arjo Atayde na si Art Atayde sa birthday celebration ni Maine Mendoza sa Eat… Bulaga! last Saturday (March 2).


Sa naturang noontime show ay ipinakita ang mga video greetings para kay Maine ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Isa sa mga bumati si Papa Art at hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa sa gusto niyang sabihin.


“First of all, I would like to greet my very nice, very loving and beautiful daughter-in-law, Maine Atayde, a very, very happy birthday,” ang simula ng mister ni Sylvia Sanchez.


Pagkatapos nito ay diretso nang humirit ng apo si Papa Art.


“Ayan, Maine, ha, pinupuri kita dahil birthday mo. Pero tumatanda ka na, so where’s the baby?” tanong ni Papa Art.


Natawa nang bonggang-bongga si Maine sa sinabi ng biyenan.


Hirit pa ni Papa Art, “Ano ba’ng ginagawa ninyo ni Arjo? Palibhasa puro shopping siguro.”

Tawa nang tawa si Maine sa kanyang mapagbirong biyenan.


Kinantiyawan ni Vic Sotto ang birthday celebrator na sagutin daw ang sinabi ng biyenan.


Natatawang sabi ni Maine, “Coming soon.”


Dagdag pa niya, “‘Pag ibinigay po ni Lord.”


Sabi naman ni Joey de Leon, “Puro shopping, ha!”


Anyway, inip na inip na talaga ang mga in-laws ni Maine na magkaroon ng apo. Sa huling panayam nga namin kay Ibyang (Sylvia Sanchez), ay sinabi niyang kinukulit na talaga niya sina Maine at maging ang anak niyang si Ria Atayde na bigyan na sila ng apo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page