Buking sa vlog… CARLA, 'DI NA SUOT ANG WEDDING RING NILA NI TOM
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 07, 2022

Napansin agad ng mga netizens ang mga kamay ni Carla Abellana na walang suot na singsing sa kanyang latest vlog sa YouTube.
Sinasadya man o hindi, madalas mapokus ang kamera sa kamay ni Carla. Hindi ito nakaligtas sa mapagmasid na mga mata ng mga netizens at ipinost pa nila sa comment section ang kanilang napansin.
“She keeps showing her left and right hand, looks like she’s telling na wala na sila ni Tom. Huhu. So sad naman.”
“Hindi na niya suot 'yung wedding ring nila ni Tom. Nakakalungkot naman. Kung kailan sila ikinasal ni Tom, saka naman sila nagkahiwalay. Sobrang idol ko pa naman silang dalawa.”
“Dami pa namang drama surrounding the ring from the beginning, 'di rin pala susuotin.”
May mga nagtanong din kung nasaan ang kanyang mister na si Tom Rodriguez.
“Asan si Tom? Now lang sa vlog mo, wala siya… Sad fan here!"
“Bakit 'di niya suot ang wedding ring niya and 'di na-mention sa'n si Kuya Tom?"
Napansin din ng mga netizens ang mugtong mga mata ni Carla.
“Ba't parang mugto eyes niya sa nakita kong IG story?”
May nag-comment naman na paisyu lang si Carla.
“Tapos, mga IG Stories niya, naka-focus pa palagi sa mga kamay niya. Parang sinasadya niya na ewan. 'Yung previous stories niya, ganyan din mga angguluhan, focus sa kamay."
“Nakaka-distract 'yung paghawi-hawi ng buhok niya. Sana, inipit na lang niya.”
“Halos lahat ng videos niya, ganyan siya.”
“Papansin siya.”
“Pa-issue.”
Hanggang ngayon, may mga netizens pa rin ang ‘di matanggap ang balitang hiwalay na diumano sina Tom at Carla.
“Grabeh! Kakakasal lang nila, tapos mauuwi rin sa wala. Sana nga, 'di totoo at kung ano man ang pinagdaraanan nila, malagpasan nilang mag-asawa. Nawawala na ang sanctity ng marriage.”
Hope so… malampasan nina Tom at Carla anuman ang kanilang pinagdaraanan.





Comments