top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Buking sa video, kaya nagrambulan… AWRA, PINAGHUHUBAD NG PANTALON ANG LALAKI SA BAR

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 2, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 2, 2023



Inilabas ang CCTV footage ng mga nangyari sa loob ng Bolthole Bar sa Makati City kung saan nangyari ang controversy na kinasangkutan ngayon ni Awra Briguela.


Sa CCTV, makikitang walang hipuang nangyari gaya ng kine-claim ng kaibigang babae ng batang komedyante.


Makikita ring magkakilala ang grupo ni Awra at grupo ng kalalakihan na kanilang nakaengkuwentro at tila dine-dare pa ng batang komedyante na hubarin ng isang guy ang pantalon nito.


Kaya lang, t-shirt lang ang hinubad ng guy at dito na nagsimula ang gulo na nagtapos sa labas ng bar.


May video rin sa loob ng police precinct habang kinakausap sina Awra at ang mga nakaengkuwentro at maririnig ang sinabi ng batang komedyante na hindi siya natatakot.


Dahil sa lumabas na video, may mga umatras nang sumuporta kay Awra.


Hintayin natin kung ano ang masasabi ng mga kaibigan at supporters ni Awra sa mga lumabas na video.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page