top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Buking sa video… ANAK NI SEN. CHIZ, KASAMA PA RIN SA BAHAY NI HEART

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 21, 2022



Nasa bansa na si Heart Evangelista at hindi naman naapektuhan ang pagiging endorser niya ng lumabas na balitang pagkontra ng isang dental hygienist sa pag-eendorso niya ng teeth whitening pen. In demand endorser pa rin naman si Heart.


Isa sa mga bagong endorsements ni Heart ang Vision Express at nasa mga stores na nito ang naglalakihan niyang litrato.


Noong isang araw naman, may shoot siya for another new endorsement na jewelry daw and for sure, may mga susunod pa siyang endorsements.


Samantala, parang taliwas ang nabalitang may permiso na ni Heart na kumpirmahin ng kanyang mga close friends ang status ng relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero. Napanood daw sa isang video ni Heart ang isa sa dalawang anak ng senador na ibig sabihin, magkakasama pa rin sila sa bahay.


Marami rin ang naghihintay na ma-interview si Heart, pero magsalita kaya ito sa mga nangyayari sa kanyang buhay?


Mas maganda siguro kung si Jessica Soho ang makakapag-interview kay Heart.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page