top of page

Buking sa post ng bagets sa socmed… KIM, TODO-REGALO NG BRANDED SHOES AT DAMIT SA ANAK NI PAULO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 31, 2024


Showbiz News

Likas na generous si Kim Chiu sa kaibigan man o sa karelasyon. Bongga ang mga regalong ibinigay niya sa kanyang mga naging dyowa. 


Hindi naman ikinahihiyang aminin ni Kim na gumagastos siya para sa mga taong mahal niya. Tulad ni Gerald Anderson, niregaluhan niya noon ng motorsiklo, golf cart, Rolex watch, big flat screen TV, branded shoes, designer clothes, atbp.. 


Hindi lang binabanggit ni Kim kung anu-ano ang nairegalo niya kay Xian Lim na eleven years niyang naging boyfriend.


At ngayon, ang anak naman ni Paulo Avelino ang niregaluhan ni Kim ng mga branded shoes at t-shirts. Kaya ganoon na lang ang tuwa at pasasalamat ni Aki sa kanyang Tita Kim. Naka-post pa sa socmed ang pasasalamat ni Aki sa rumored girlfriend ng kanyang Daddy Paulo.


Well, hindi naman siguro mamasamain ni LJ Reyes ang pagbibigay ng regalo ni Kim kay Aki. Tutal, okey naman ang setup nila ni Paulo pagdating sa kanilang anak. At may sarili nang pamilya ngayon si LJ Reyes.



Kasamang bata, pamangkin lang daw… AJ, TODO-DIIN PA RING WALA SILANG ANAK NI ALJUR


Showbiz News

Hanggang ngayon, pinaninindigan ni AJ Raval na hindi siya ang third party sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Masakit sa kanya at maging sa kanyang pamilya ang bansagan siyang kabit. 


Mismong si Kylie Padilla na raw ang makakapagpatunay na hindi siya ang dahilan ng hiwalayang Kylie at Aljur. Isang taon nang hiwalay noon ang mag-asawa nang magkakilala sila ng aktor. Nakasama niya si Aljur sa isang pelikula at doon sila naging close sa isa’t isa. 


Nagkausap na rin daw sila ni Kylie tungkol sa kanilang sitwasyon, at may agreement na rin sina Kylie at Aljur sa kanilang co-parenting sa dalawa nilang anak.


Itinanggi rin ni AJ Raval ang kumakalat na balitang meron silang ‘love child’ ni Aljur na itinatago sa publiko. Ilang beses nang natsismis na buntis si AJ at sa abroad daw nanganak, pero sumusumpa sila ni Aljur na wala silang anak. 


Pamangkin ni AJ Raval ang nakikita na kasa-kasama nila kapag sila ay namamasyal.



Ngayong bahagi na ng GMA Sparkle Artist ang Korean actor na si Kim Ji Soo, asahang mapapanood na siya sa iba’t ibang shows ng Kapuso Network.


Unang nakatrabaho ni Kim Ji Soo si Jillian Ward sa afternoon soap na Abot Kamay na Pangarap (AKNP). Ang narinig namin kay Jillian ay gentleman si Ji Soo dahil mabait at inaalalayan siya sa kanilang mga eksena. 


Given the chance, gusto rin ni Kim Ji Soo na makatrabaho sina Barbie Forteza at Ruru Madrid sa mga susunod niyang projects. 


Well, sinu-sino pa kayang Korean actors ang susunod na pipirma sa GMA Network? Magkano naman kaya ang kanilang talent fee? 


Magandang idea sana kung gagawa ang GMA-7 ng isang rom-com series o ‘yung pambagets na series at pagsasamahin ang mga Korean stars at Sparkle talents.


Malakas ang hatak ng Korean stars sa GenZs, kaya tiyak na magiging maganda rin ang ratings nito.



Todo-amin ang Kapuso actress na si Kate Valdez na happy at super in love siya ngayon sa Japanese vlogger na si Fumiya Sankai.


Galing sa Pinoy Big Brother (PBB) si Fumiya, nagkakilala sila ni Kate sa isang event. Isang Hong Kong trip ang regalo ni Fumiya kay Kate dahil gusto niyang maranasan ang Hong Kong Disneyland.


Well, napansin ng mga netizens na magkahawig sina Kate at Fumiya, kaya tiyak daw na magkakatuluyan sila. 


May ilang bashers naman na nag-comment kung ano ang nagustuhan ni Kate kay Fumiya, gayung malamya raw itong kumilos at hindi pa gaanong kilala sa showbiz. Sa madaling salita, wala pang career.


Aguuuy naman!





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page