top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Buking sa pictures… JOSHUA AT ATHLETE GF, MAGKASAMA SA ITALY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2023
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 14, 2023


Bukelya ang aktor na si Joshua Garcia ng mga netizens na kasama niya sa Milan, Italy ang kanyang rumored girlfriend na si Emilienne Vigier na isang Filipino-French athlete.


Paano kasi, halos parehas ang mga locations na pinuntahan nina Joshua at Emilienne sa mga lugar sa Italy sa mga pictures na ipinost nila on their respective Instagram accounts.

Alam n’yo naman ang mga netizens, masyadong mabusisi ang mga ‘yan at walang makakatakas sa mga mapanuri nilang mata, ‘di ba?


Kahit solo-solo ang mga pictures nina Joshua at Emilienne na naka-post sa IG, halata ng mga netizens na magkasama sila sa Italy.


Bitbit ni Joshua sa A.S.A.P. Natin ‘To show sa ABS-CBN si Emilienne, ganern?


Kamakailan lang ay nag-post si Emilienne sa Instagram ng kanyang selfie kasama si Joshua.


Sa kabuuan ng kanilang larawan, may nakasulat na caption na: "Jtmmmm", na humantong sa pag-iisip ng ilan na posibleng nangangahulugang "Je t'aime," na isinasalin sa "I love you" sa French.


Kaya naman, patuloy na umaalingawngaw ang tsika sa dalawa na sila na nga, bagama’t wala pa ring kumpirmasyon mula sa kani-kanilang panig.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page