Buking sa parcel... Lalaki, tiklo sa P18.7M ketamine

ni Mervin Reyes @News | October 29, 2026

Photo: Ang 26-anyos na lalaki mula Rodriguez, Rizal, matapos kunin ang parcel na naglalaman ng ketamine - PDEA
Arestado ang isang 26-anyos na lalaki mula Rodriguez, Rizal, matapos kunin ang parcel na naglalaman ng ketamine na nagkakahalaga ng P18.725 milyon sa Port of Clark, Clark Freeport Zone, noong Martes, Oktubre 27.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon, alas-12:20 ng tanghali nang maaresto ang suspek. Hindi na nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa kanyang pagkakakilanlan.
Ipinadala ang parcel mula Amsterdam, Netherlands, noong Oktubre 10 at sodium bicarbonate cleaning powder o baking soda ang idineklarang laman nito.
“Ketamine is a dissociative anesthetic that has some hallucinogenic effects. It is classified as a dangerous drug under Republic Act No. 9165 (the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002),” ayon sa PDEA.
Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Pampanga at Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, katuwang ang Bureau of Customs-Port of Clark, PNP Aviation Security Unit 3 at PNP Drug Enforcement Group.





Comments