top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Buking sa nipis ng suot… REGINE, LUMALAKI ANG NIPPLES TUWING BUMIBIRIT

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 1, 2022




Sa bagong episode ng Showbiz Now Na YouTube channel nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ay napag-usapan nila ang kani-kanyang istilo ng mga sikat na babaeng mang-aawit katulad nina Regine Velasquez, Dulce, Juliet ng Aegis, Imelda Papin, Eva Eugenio, at Ms. Pilita Corrales.


Puring-puri ng tatlo ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine dahil kamakailan ay umamin na siyang tapos na ang era niya dahil marami nang baguhang singers na magagaling talaga.


Nabanggit pa na kapag hindi natanggap ang katotohanang hindi mo na panahon ay dito nagsisimula ang depresyon.


“Ang bawat pangarap ng singer na nagtatangka ay naabot na niya (Regine). Isipin mo, mula sa Bagong Kampeon, nagsikap, nagsakripisyo, ginawa ang lahat at inalagaan ang boses na pinakamahalaga kaya tinagurian siyang…” bungad ni ‘Nay Cristy.


“Asia’s Songbird,” mabilis na sagot ni Romel.


“Dahil sa husay niyang kumanta, Ate Cristy,” sambit naman ni Morly.


Sa pagpapatuloy ng online host at manunulat, “Oo at naalala ko pa ang ama niya na si Mang Gerry. Kapag napapanood ko talaga si Regine naaalala ko talaga si Mang Gerry dahil ikinukuwento niya na nu’ng maliit (pa si Regine) ay inilulubog niya sa drum o kaya sa dagat.


Dapat nakalubog siya para ‘yung breathing, ‘yung hangin, makuha.”


Nabanggit din nina Romel at Morly na suportado ni Regine ang mga baguhang singers at kapag igine-guest siya ay hindi siya nagpapabayad.


Samantala, inamin ni ‘Nay Cristy na kapag nanonood siya ng concert ni Songbird ay, “Mayroon akong rebelasyon tungkol kay Regine, nanonood kasi ako ng mga concerts niya saka 'pag naiimbitahan siya sa comedy bars na hindi niya tinatanggihan dahil supportive siya sa mga nangangarap.


“Kapag siya pala ay tumotodo (birit) ng tono, makikita mo ‘yung nipples niya, lumalaki.


Binabantayan namin ni Dindo Balares (dating editor ng Balita) ‘yan, eh.


“Kapag kumakanta siya, tinitingnan namin ang nipples niya, lalo kung manipis lang ang suot o kaya ang t-shirt ay puti, napakasimple niya, 'di ba? Kapag siya ay bumibirit, lumalaki ang nipples niya.”


Dahil sa rebelasyong ito ni ‘Nay Cristy ay malamang, ito na ang titingnan ng mga manonood kay Regine kapag nag-show, hahaha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page