Buking sa mga photos… KATHRYN, MAY KA-HOLDING HANDS NA NAGLALAKAD SA AUSTRALIA
- BULGAR

- Jul 15, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 15, 2025
Image: Kathryn Bernardo - IG
May paayuda na mga photos si Kathryn Bernardo sa kanyang mga fans sa bakasyon nito sa Australia. Ini-repost nito ang post ng friend niyang si Arisse na siyang binisita niya.
Sa unang photo, makikita si Kathryn na nakaupo sa sofa habang may white dog na nasa harap niya. Ang overlay text sa post ay “Lulu, mind auntie!! She’s back @bernardokath.”
Sa isa pang photo, magka-holding hands na naglalakad ang magkaibigan na parehong nakangiti. Ibig sabihin, masaya sila sa muli nilang pagkikita.
Nagpapasalamat ang mga fans ng aktres sa friend niya dahil may update sila kay Kathryn na mukhang hindi pa raw sinisipag mag-post ng photos.
Dahil nabalitang magkasamang lumipad pa-Australia sina Kathryn at Lucena Mayor Mark Alcala, hinanap ng mga fans ang alkalde. Nasaan daw ito at bakit wala siya sa dalawang photos ni Kathryn?
Sagot ng fan, hindi naman talaga magkasama sina Kathryn at Mayor Mark, ginawan lang ng isyu ng mga netizens nang makita ang in-upload na photos ng dalawa ng isang
airport staff. Pinalabas na sabay umalis ang dalawa gayung hindi naman.
Well, nakaabang ang mga fans ni Kathryn sa mga susunod na photos na paayuda niya sa mga fans na ang wish ay sipaging mag-post ang aktres na kanilang nami-miss.
‘Di raw magdyowa… BARBIE AT JAMES, 2X NANG NAGHO-HOLDING HANDS SA FUN RUN
ANG mga fans na ang nag-isip ng isasagot ni Jameson Blake kapag natanong sa photos nila ni Barbie Forteza na magka-holding hands sa ginanap na Aqua Run 2025 sa Filinvest City, Alabang, Muntinlupa City noong Sunday.
Para raw hindi na mahirapan ng isasagot ang aktor, sabihin niyang inalalayan niya si Barbie para hindi madulas.
Naging madulas kasi ang finish line ng fun run dahil sa bubbles.
Sa Cabalen Fun Run kung saan una silang nakita na holding hands, ang paliwanag ni Jameson, inalalayan lang niya si Barbie dahil marami ang nagpapa-picture.
Sa last Sunday fun run, inalalayan naman ni Jameson si Barbie dahil baka madulas nang paliguan ng bubbles ang mga participants, eh, may pagka-lampa pa naman ang aktres.
Kaya lang, pati pagho-holding hands ng magkaibigan, binigyan ng meaning ng mga netizens. Holding hands lang daw ‘yun ng magkaibigan dahil hindi nakapasok ang mga daliri nila sa kani-kanyang kamay.
Kaya alam na, kapag nag-holding hands na sina Barbie at Jameson na nakapasok ang mga daliri nila sa kanilang mga kamay at kapag iba na ang diin ng pagho-holding hands nila, baka nasa ligawan stage na sila. Marami pa naman yata silang fun run na dadaluhan, kaya abangan.
Samantala, tumakbo rin sa nasabing fun run ang magdyowang Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Ang sweet ng dalawa at pansin na laging nakaakbay si Derrick sa GF. Very proud ang aktor sa first run ni Elle at pinasalamatan si Barbie Forteza sa paggising daw sa kanila.
CONSISTENT naman sa pagiging sweet sina Sue Ramirez at Dominic Roque at halos hindi na sila naghihiwalay. Lagi na nga silang magkasama at mukhang masaya nga sila sa kanilang relasyon.
Mas nae-excite tuloy ang DominSue (Dominic at Sue) fans nila sa pag-aabang sa mangyayari sa kanilang birthday.
Parehong sa July 20 ang birthday nina Dominic at Sue at feeling ng mga fans, joint birthday party ang mangyayari.
Mas masaya nga naman kung sabay nilang ise-celebrate ang kanilang birthday at mas sasaya pa kung may marriage proposal na magaganap.
May mga hindi lang masaya sa relasyon ng dalawa at ikinukumpara ang relasyon nila sa kani-kanyang ex. Sinaway tuloy ng mga fans ng dalawa ang mga gustong manira ng masayang araw ng mga kinikilig na fans.










Comments