top of page
Search
  • BULGAR

Buking sa mga galaw at tinginan… PAULO AT KIM, OBYUS NA MAY RELASYON NA

ni Ambet Nabus @Let's See | April 25, 2024



MARAMI talaga ang naniniwalang more than friends na sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Very supportive si Kim kay Paulo dahil personal pa itong dumalo sa red carpet premiere ng Elevator last Tuesday, April 23.

Although sina Paulo at Kylie Verzosa ang mga bida sa movie, si Kim din talaga ang tinilian nang husto ng mga dumayong fans and supporters.

Nakunan pa namin ng photo ang very sweet moment nila habang nagbebeso at kahit hindi sila magkatabi ng upuan, very evident 'yung panay sulyap ni Paulo kay Kim na nasa likod niya.

Rom-com ang Elevator movie nina Pau at Kylie na sa Singapore pa ginawa with some local actors there na magagaling umarte at mukhang mga kilala sa bansa nila.

May kilig din naman ang tandem nina Pau at Kylie pero bothered lang talaga ang mga nakapanood sa tila sobrang kapayatan ng huli. May kalandian pa ang direktor sa mga "kissing scene" shots ng dalawa dahil "nakanganga at nakabuka ang bibig" talaga ang mga ito sa mga naturang eksena.

Just wondering kung ano ang naiisip ni Kim na kasama nilang nanonood ng movie, hahaha!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page