ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 9, 2024
Dahil sa nag-viral na kissing photo at video nina Dominic Roque at Sue Ramirez, nakumpirma ang balitang hiwalay na ang aktres kay Victorias City Mayor Javi Benitez.
At kung wala raw magagalit o magseselos sa parte ni Sue kung nakunan man sila ni Dominic na nag-kiss nang magkita sa isang bar sa Siargao, lalong walang magseselos sa parte ng aktor dahil matagal na silang break ni Bea Alonzo.
Dahil hindi masyadong malinaw ang video, hirit ng ilang netizens ay baka nagbeso lang sina Dominic at Sue na karaniwang ginagawa ng magkakaibigan kapag nagkikita.
Pero may nag-i-insist na nag-kiss talaga ang dalawa na makukumpirma lang nina Sue at Dominic.
Dahil pala sa nag-viral at nag-trending na video at photos, may mga nagsabing tisay ang type ni Dominic sa babae. Kaya naniniwala silang friends lang talaga sina Dominic at Kathryn Bernardo.
SUMUGOD na nga sa Instagram (IG) ni Bea Alonzo ang mga netizens para isumbong ang pagmo-"momol" (make out-make out lang) diumano nina Dominic Roque at Sue Ramirez, bagay na ikinatawa ng mga followers ni Bea.
May nag-comment pa nga na revenge era raw ni Dominic ang pag-trending ng video na animo’y nagki-kiss sila ni Sue, pero sabi ng iba, nagbeso lang ang dalawa na matagal nang magkaibigan.
Comment pa ng mga fans, habang nakikipag-momol si Dominic, Bea is slaying dahil sa bagong post nito sa IG na nagpasilip ng kanyang kaseksihan.
May nag-suggest pang i-send kay Bea ang photo nina Dominic at Sue o kaya’y i-tag ang aktres, eh, wala naman siyang kinalaman sa isyu.
May nag-comment naman ng “Hi! raw sabe ni Sue,” at sinundan ng, “Hello! raw sabi ni Bea at good luck.”
Ginawang biruan ang isyu kina Sue at Dominic at hindi na ikagugulat kung may mga maglabasang meme sa dalawa.
As for Bea, tuloy pa rin ang takbo ng buhay at career nito at patuloy pa rin ang airing ng Widows’ War (WW). Hindi pala totoo ang tsika na hindi extended ang series dahil sa nangyari kay Rita Daniela na gawa ni Archie Alemania.
Extended pa rin ang series at marami pang mangyayari sa mga karakter, maging sa role ni Bea as Sam. Ang dami pang rebelasyon sa mga karakter na dapat daw abangan!
Nag-two-piece sa beach, Pia… NETIZEN KAY HEART: HUBADERA WITH CLASS
ANG mga fans ni Heart Evangelista ang nahihilo sa kaka-check sa dami ng ganap ng misis ni Senate President Chiz Escudero. Hindi alam ng mga fans kung ano ang mas current sa ganap ni Heart.
Sa isa nitong video, nasa Singapore siya para sa Marina Bay Sands event at nakasama niya ang Thai actor na si Win Metawin at si David Beckham.
Sa isa namang post nito, nasa Thailand siya para sa Cartier event.
'Yung sa Singapore, kaya present si Heart, sila raw ni Win ang Asian ambassadors ng Marina Bay Sands at si David naman ang Global ambassador. Ibig sabihin, hindi kumuha ang Marina Bay Sands ng Singaporean ambassador?
May pasabog naman si Heart sa trip niya sa Thailand dahil may photo siyang nasa beach at two-piece swimsuit ang suot.
Ang mga comments ay, “Wow! sexy,” “Natural na kaseksihan, walang chemical,” “Grabe s’ya,” “You are everywhere a real socialite,” at “Hubadera with class.”
Tila may isine-shade ang mga comments, ‘no!
Comentários