Buking sa b-day greetings… KC, 'DI NA TINAWAG NA 'DAD' SI KIKO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 27, 2022

May posted na birthday greetings sa kanyang IG si KC Concepcion para sa ama-amahan na si Kiko Pangilinan na nag-celebrate ng birthday nu'ng Aug. 24.
Kalakip nito ang larawan ng Pangilinan family — Sharon Cuneta with Kiko, Kakie, Miel, Miguel at KC — na sinulatan niya ng caption na "Happy birthday @kiko.pangilinan. We love and appreciate you for educating us, guiding and disciplining us - and for all the ways you've kept the family together, through all of life's twists and turns. Enjoy Korea and may your birthday cake be as great as your daily dose of samgyupsal."
May pagka-inggit ang komento ng ilang netizens kay KC.
"Puro gala na lang inaatupag ni KC, sarap-buhay yeern?"
"Dati na niyang lifestyle 'yan, even when she was in college. I used to read her old Multiply blog."
"KC earned her money legitimately, 'di gaya sa pulitiko, kaya ayun."
"I can read between your lines but 'di ka sure, politics din galing ang lolo ni KC kay Mega."
"Ilang buwan nang pagala-gala si KC, wow sarap, mayaman! 'Yung bagong bahay niya, 'di pa niya halos natirahan."
"Yes, sarap buhay talaga. She has the means, time, money and energy. Sarap! Not everyone can have and experience that. Happy for her and everyone who can do this."
Napansin naman ng netizen sa caption ni KC, "Bakit kaya wala nang "Dad" sa greetings niya?"
Sey naman ng isa, "Kung walang dad, ipinadama ni KC na love pa rin niya si Kiko, patunay ang pagsunod niya sa Korea."
Ano sa palagay n'yo, guys?





Comments