top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Buking na nagsisinungaling… DAVID, 'DI RAW NAISIP MAGING GF SI BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2023
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 11, 2023




Hindi pala maganda ang impresyon ni Barbie Forteza kay David Licauco noong mga unang pagsasama nila sa trabaho. Nabanggit na ito ng aktres nang mag-guest siya noon sa vlog ni Bea Alonzo pero hindi niya binanggit kung sino’ng aktor.


Kung matatandaan, sumalang sa lie detector challenge si Barbie sa vlog ni Bea a few months ago at isa sa mga naitanong sa kanya ay kung meron siyang hindi nakasundong co-star.


“Yes,” ang sagot ni Barbie at ang hula ng mga fans ay si David ang tinutukoy niya.


Recently ay si David naman ang sumalang sa lie detector challenge at dito ay naikuwento ni Bea sa aktor ang sinabi ni Barbie.


Ayon kay David ay siya ang tinutukoy ni Barbie dahil inamin daw ito ng aktres sa kanya recently lang sa shooting ng movie nila.


“Kakukuwento lang niya sa ‘kin nu’ng movie shoot namin, siguro three weeks ago. So, parang itinanong ko sa kanya, ‘Ba’t mo ‘ko hate dati?’” kuwento ni David.


Ang dahilan pala kung bakit naiinis noon sa kanya si Barbie ay dahil lagi siyang late sa set.


“Lagi raw akong late, tapos hindi raw ako nagso-sorry,” tsika ni David.


Kaya naman, nag-explain daw siya kung bakit siya nale-late. He revealed na may sleep apnea siya, isang disorder kung saan ay pansamantalang tumitigil ang paghinga ng isang tao kapag natutulog at pagkatapos ay babalik ulit.


“May sleep apnea nga kasi ako. Basically, my breathing stops for like 30 seconds straight, 24 times in an hour, so all throughout the night, hirap ako, eh, so stressed ako. So, paggising ko ng umaga, I’m stressed also,” paliwanag ni David.


“So, I have to work out and I have to meditate and all that stuff for me to be normal,” patuloy ng Pambansang Ginoo.


Ang isa pa raw na ikinainis sa kanya ni Barbie ay ‘yung naging tanong niya sa aktres noon.


“Na-realize ko, weird naman talaga ‘yung sinabi ko sa kanya. First sentence ko sa kanya, sabi ko, ‘Oy, Barbie, breadwinner ka ba?’ Ang labo naman din talaga, ‘di ba?’” pag-alala ni David.


Parang narinig daw niya kasi somewhere na breadwinner si Barbie at hinangaan nga raw niya ito.


Pero siyempre, parang naloka ang aktres na ito agad ang itinanong sa kanya ni David gayung hindi pa naman sila close.


“Saka siguro, late rin ako that day,” ani David.


Pero ngayon daw ay magkaibigan na sila ni Barbie at strong na ang kanilang friendship.


Naitanong din kay David kung sa tingin ba niya ay nagseselos sa kanya ang real-life boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto at sabi ng aktor, “No” at umayon naman ang resulta ng lie detector test.


Paliwanag ng Pambansang Ginoo, alam niyang naiintindihan ni Jak na trabaho lang ang love team nila ni Barbie since artista rin naman ito.


“And I think, si Barbie, hindi rin naman siguro siya nagkukulang to give him assurance.


Knowing Barbie, she’s a good person. I think na she’s a good partner also,” sey pa ng aktor.


Ang nakakatuwa ay nang tanungin siya kung pumapasok ba sa isip niya na, “What if naging sila ni Barbie?” at ang sagot niya ay “No” pero hindi pumabor ang lie detector machine, meaning “lie” ang kanyang sagot. Ang lakas tuloy ng tawa ni Bea.


“Hahahaha! First lie of the day,” kantiyaw ni Bea kay David.


Hirit pa ng aktres ay hindi naman daw maiiwasan kung mag-isip si David na paano kung naging sila nga tulad din ng naisip niya noon sa tambalan nila ni John Lloyd Cruz.


“Kami ni John Lloyd, we were never together, we were never romantically involved, but of course, sometimes, naiisip ko ‘yun na, ‘Oo nga, ‘no? Paano nga kaya?’ Kasi everyone’s telling me to just date him,” sey ni Bea.


Kaya umamin na rin si David na sumasagi rin naman sa thoughts niya na what if naging sila nga ni Barbie.


“Siyempre, I respect ‘yung relationship nila (Barbie and Jak) and all that, pero like, totoo naman… what if?” sey ni David.


Sa tanong kung sa tingin ba niya ay siya ang best leading man ni Barbie, full of confidence na sagot ni David, “Yes” at pasado naman ito sa lie detector machine.


Paliwanag ni David, “I mean, I’m not saying na hindi nag-click ‘yung dati. Sinasabi rin naman niya na ito ‘yung parang love team na mas marami talagang sumuporta.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page