top of page

Buking na magdyowa na talaga, Mavy… KYLINE, NAGPAPAHALIK NA KAY KOBE IN PUBLIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | July 21, 2024


Showbiz News
Photo: Circulations / FB

Nasundan ang light public display of affection (PDA) nina Kyline Alcantara at Kobe Paras nang maispatan silang holding hands sa BGC, Taguig City habang naglalakad papunta sa car ni Kobe. 


Sa latest photo, hindi lang holding hands ang dalawa, may pa-kiss pa si Kobe kay Kyline.

Well, hindi na naniniwala ang mga netizens na "dating" pa rin ang status nila pagkatapos na may lumabas na photos nila sa opening ng tattoo shop ni Kobe. May pa-kiss pa kasi si Kobe sa noo ni Kyline habang nakahawak sa bewang nito. 


Kahit sa noo lang ang kiss, kiss pa rin daw ‘yun at hindi naman siguro papayag si Kyline na iki-kiss siya in public kung hindi pa niya dyowa si Kobe. 


Bukod sa kiss, may pahawak pa sa bewang si Kobe na sabi ng mga netizens, madiin daw ang pagkakahawak ng basketbolista.


May ipinost pa si Kobe na photo ni Kyline habang may pine-pet na dog. Comment tuloy ng mga netizens, mukhang mas in love si Kobe kay Kyline than vice-versa. Si Kobe raw kasi ang mahilig mag-flex sa kanila ni Kyline, na totoo naman.


Dahil tattoo shop ang business ni Kobe na tinawag niyang NOWN, pinayuhan ng mga fans si Kyline na ‘wag siyang magpapa-tattoo kahit libre. Paano na lang daw kapag nag-break sila ni Kobe, tapos, may tattoo siya na pangalan pa ni Kobe?


'Kaloka! ‘Di ba, ang advance mag-isip ng ibang mga netizens? Nag-e-enjoy pa lang sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa kanilang relasyon, may naghihintay na ng kanilang breakup. 


Hanggang two months lang daw tatagal ang relasyon ng dalawa and after two months, single na uli sila.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page