top of page
Search
  • BULGAR

Buking na ibinahay ng sikat na opisyal sa bansa ang kalukadidang gov’t official ...

Sa exclusive na subdivision

ni Chit Luna - @Yari Ka! | February 4, 2021


Lubos na nagimbal ang mga residente ng exclusive subdivision sa Quezon City sa balitang ibinahay na ng dating sikat na opisyal sa bansa ang kanyang kalukadidang gov’t official rin.


Ang higit na nakagugulat ay pinili nilang gawing pugad ng kanilang immoral na relasyon sa loob mismo ng exclusive subdivision kung saan sila kapwa nakatira. Ang siste, halos magkatapat ang mansiyon nilang dalawa!


Bagama’t matagal nang napabalitang hiwalay ang babae, ang lalaki naman ay kilalang may-asawa.


Suspetsa tuloy ng ilang ilustradong kabilang sa kanilang antas, mistulang binili ni madam ang kanyang bagong jowa sa asawa nito dahil wala man lang umanong nakikitang pagtutol ang esmi ng mambabatas na hindi hamak na mas bata sa edad sa babae.


Gayundin naman ang asawa ni madam na ngayon ay mayroon nang kinakasamang mayamang may lahing Insik na dating naging paksa ng mga balita hinggil sa illegal na negosyo.


Mayroon din itong anak na opisyal ng gobyerno. Ang naturang anak ay sumabak na rin sa magulong mundo ng pelikula —kaya lang hindi siya ganun ka-bankable kaya naman mabilis nalaos.


Ang lalaki naman ay nagsimulang mahubog sa pulitika noong ito’y nasa kolehiyo kung saan siya naging aktibista at kalaunan ay pumalaot bilang konsehal, kongresista at kalihim ng gabinete.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page