top of page
Search
  • BULGAR

Buking, gusto palang mag-artista… KIM, GINAGAMIT LANG NI ATTY. OLIVER

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 20, 2024



No offense meant kay Atty. Oliver Moeller ng Cebu, pero may ilang netizens ang nagsasabing hindi sila pabor na pilit siyang inili-link kay Kim Chiu upang siya’y mapansin at magkaroon ng interes sa kanya ang publiko matapos na hindi siya umubra kay Michelle Dee.


Sa katunayan, pagkatapos ng kanilang first date ay binura na ni Michelle sa kanyang  Instagram account ang mga pictures nila. 


Balitang nakikipag-usap si Atty. Oliver sa Star Magic people at balak siyang ikontrata.


Kung tutuusin, guwapo naman at malakas ang appeal ni Atty. Oliver at artistahin ang porma, dagdag pa ang pagiging smart nito na tiyak na ikakadali ng pagsikat nito, lalo na kung may talent siyang ipakikita.  


Kaya huwag nang ipilit na i-link siya kay Kim Chiu dahil hindi naman agad na paniniwalaan ‘yun ng publiko. 


Kailangan munang patunayan ni Atty. Oliver na may talent siya at kayang sumabay sa magagaling na aktor sa showbiz, not unless gusto lang niyang maging matinee idol at heartthrob.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page