top of page
Search
  • BULGAR

Buking, 'di pa rin kuntento… KC, BREAK NA NAMAN DAW SA SWISS BF

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Abril 9, 2024




Usap-usapan din ngayon ng mga online Marites ang pagiging single na naman daw uli ng panganay ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion.


May birthday post kasi si KC sa Instagram nu'ng kanyang 39th natal day last April 7 na solo picture niya with a caption: "Love is in the details."


Sa comments section, nag-usap ang mga fans ni KC at may nagsabing salamat at nag-like ang


Swiss BF ng aktres na si Steve Michael Wuethrich o simply "Mike" for KC's fans sa post ng celebrator.


May nag-reply sa first commenter at tinatanong kung nakita na raw ba ang My Day ni Mike. May mga na-curious at nagtanong kung ano'ng meron sa My Day ng Swiss businessman.


May sumagot ng "Yes and sounded they broke up… eventually deleted it."


Then, may nangulit kung ano raw ba'ng sinabi ni Mike sa My Day niya at may sumagot uli ng "That he hopes KC will find what she's looking for."


Ohhh… Tama nga kaya ang conclusion ng mga nakabasa na break na sina KC at Mike dahil may hinahanap pa rin ang panganay ni Mega na 'di niya nakita sa Swiss BF?


Mas maganda siguro kung si KC na lang ang mag-one-liner para matapos na ang mga haka-haka, 'no! 


Jusko, marami nang problema ang mga Marites, 'wag na niyang dagdagan, chos!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page