Bukas na ang SSS branch kahit Sabado
- BULGAR
- Oct 17, 2022
- 2 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | October 17, 2022

Hello, Bulgarians! Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na ang mga sangay nito na matatagpuan sa mga shopping malls sa National Capital Region (NCR) ay bukas na ngayon tuwing Sabado hanggang Disyembre 31, 2022 para ma-accommodate ang mga miyembro na maaari lamang makipagtransaksyon sa SSS tuwing weekend.
May kabuuang 12 branches sa mga shopping mall within Metro Manila ang tumatanggap ng mga transaksyon sa SSS maliban sa mga tellering services tuwing Sabado na kinabibilangan ng Cubao, Malabon, Novaliches, Paso de Blas, Antipolo, Mandaluyong-Shaw, Marikina, Ortigas, Las Piñas, Makati-Chino Roces, Parañaque at Taguig.
Ang mga sangay na ito ay bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapob maliban sa Novaliches at Ortigas na bukas mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng hapon. Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino na pinalawig ng SSS ang business hours ng ilang sangay upang ma-accommodate ang mga miyembrong nakikipagtransaksyon kahit weekend.
“We understand that many SSS members cannot visit SSS offices during weekdays given their working schedule, so we decided to open our branches in shopping malls on Saturdays until the end of the year,” pahayag ni Regino.
Samantala, 43 SSS branches sa NCR ang mag-assist sa mga miyembro mula alas-7:00 ng umaga, isang oras na mas maaga kaysa sa kanilang regular na oras ng serbisyo. Kabilang sa mga sangay na ito ang Batasan Hills, Congressional, Cubao, Deparo, Diliman, Eastwood, Fairview, Kalookan, Malabon, Navotas, Paso de Blas, San Francisco Del Monte, Valenzuela, Antipolo, Mandaluyong-Shaw, Marikina, Marikina-Malanday, New Panaderos, Pasig-Mabini, Pasig-Pioneer, Pasig-Rosario, San Juan, Tanay, Binondo, Legarda, Manila, Pasay-Roxas, Pasay-Taft, Sta. Mesa, Tondo, Welcome, Alabang-Muntinlupa, Alabang-Zapote, Bicutan Sun Valley, Las Piñas, Makati-Chino Roces, Makati-Gil Puyat, Makati-Guadalupe, Makati-JP Rizal, Parañaque, Parañaque-Tambo, Taguig, at Taguig Gate 3.
“These initiatives reflect our continuous commitment to serve our members and their beneficiaries better, especially during this Holiday season. We further encourage them to take advantage of this extended business hours, which is one way of showing our dedication to serve the growing number of transacting members and stakeholders,” dagdag ni Regino.
Maging ang mga miyembro ng SSS at kanilang mga benepisaryo, employer at pensyonado ay maaari ring magpasyang magsagawa ng kanilang mga transaksyon sa pamamagitan ng SSS online channel tulad ng My.SSS portal sa SSS website (www.sss.gov.ph) at SSS Mobile App para sa mas maginhawang paraan ng pakikipagtransaksyon sa SSS.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.


Comments