Buhkeeet?! CARLA, PALUGI NA ANG BENTA SA FULLY FURNISHED CONDO UNIT
ni Nitz Miralles - @Bida |February 27, 2022

Marami ang interesado sa ibinebentang condo unit ni Carla Abellana sa The Grove by Rockwell sa may Pasig yata ito, lalo na at binabaan ni Carla ng P2M ang kanyang asking price sa condo na maganda ang ayos.
Fully furnished ang condo unit at kasama sa bentahan ang mga gamit na kundi type ng makakabili, puwedeng palitan at ibenta na lang daw.
Hindi sa nasabing condo nakatira si Carla, may bahay siya sa Quezon City at dito rin tumira si Tom Rodriguez bago ang isyung naghiwalay na sila.
May mga nagtatanong kung bakit palugi ang benta ni Carla sa condo niya na less P2M sa original price.





Comments