top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Buhay na buhay pa rin ang Dos, wa’ talagang makapigil

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 06, 2021



Binigyan na ng emergency use authorization ang Moderna vaccine ng US.


Mainam naman!

◘◘◘


YUMAO na ang veteran showbiz writer na si Ricky Lo.


Mami-miss si Mr. Lo ng mga tsismosa’t tsismoso!


◘◘◘


NGAYON lang tayo nakaririnig na ang bawat tao ay may personal na kakilala na naging grabe at namatay sa nagdaang 12-buwan.


Naganap na ito sa Biblical time: “Lahat ng panganay ay ipinagluksa ng mga nanay”!


◘◘◘


AKTUWAL nang nararanasan ng daigdig ang mga eksena sa Banal na Kasulatan.


Dapat paghandaan ang sorpresang “pag-ulan ng apoy” mula sa kalangitan”!


◘◘◘


PINAGDEDEBATEHAN pa rin kung ano talaga ang naganap sa Battle of Mactan kung saan kinatay ang mananakop mula sa Europe.


Nakasandal ang istorya sa “eye witness” na katropa ng mga mananakop.


Siyempre, 70 percent ay “fake news”!


◘◘◘


BUHAY na buhay pa rin ang ABS-CBN.


Mahirap talagang kalaban ang media, parang aswang — matapos sunugin, biglang bumabangon!


◘◘◘


ILAN buwan na lamang ay masasaksihan natin kung paano iiwanan si P-Digong ng kanyang mga pinagkatiwalaan.


Mauunawaan natin kung ano ang kahulugan ng “lame duck president”!


◘◘◘


NARANASAN ni dating Pangulong Marcos ang pagiging lame duck president.


Ito ay nang aminin niyang “hindi niya mapoproteksiyunan si Sen. Ninoy kapag nagpumilit bumalik sa Pilipinas dahil may matinding banta sa kanyang buhay”!


◘◘◘


MAY kongkretong impormasyon si Marcos na papatayin ang dating senador, pero aminado siyang wala siyang kakayahan na pigilin ito.


‘Yan ay eksampol ng aktuwal na lame duck president.


Naganap ang kinatatakutan ni Marcos!


◘◘◘


NAUPO ang asawa at anak ni Sen. Ninoy pero hindi rin natukoy ang mga mastermind sa pagpatay ng kanilang padre-de-pamilya.


Pare-parehong naging lame duck president sina Marcos, Tita Cory at ex-P-Noy!


◘◘◘


WALONG kudeta ang nalusutan ni Tita Cory kahit isa siyang lame duck president.


Ito ay dahil naka-bodyguard sa kanya ang U.S.!


◘◘◘


LAME duck president din si ex-P-Noy dahil iniatras niya ang BRP Gregorio de Pilar nang agawin ng China ang Scarborough Shoal.


Inutil din si ex-P-Noy na mapigil ang magmasaker sa 44 SAF sa Maguindanao!


◘◘◘


SI P-Digong ay maaaring bansagang lame duck president kapag hindi napalayas ang China, naging grabe ang pandemic, lumala ang korupsiyon at patuloy ang bentahan ng droga sa buong bansa.


Kailangan ng Pilipinas ang pangulo na may karisma at may malinaw na disposisyon sa 2022!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page