top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Bugbog-sarado sa mga netizens… MALOI, MAYSAKIT DAW, NO SHOW SA EVENT NG BINI, BUKING NA KASAMA SA GIG NG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 18
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 17, 2026



BINI Maloi - Instagram

Photo: BINI Maloi - Instagram



Bina-bash ngayon ng mga fans si BINI Maloi Ricalde dahil sa hindi nito pagsipot sa mall event ng grupo para sa ineendorsong clothing line nitong nakaraang Sunday.

Linggo ng umaga ay naglabas ng advisory ang BINI sa kanilang official X (dating Twitter) account at sinabing tatlo sa mga miyembro ang hindi makakadalo sa nasabing event due to medical reasons.


“It is unfortunate that some members will not be able to attend the ‘Penshoppe: Your Sign to Summer Starts Here with BINI’ event today due to unforeseen circumstances.


“Mikha is currently resting and recovering from dental surgery, while Stacey and Maloi are experiencing severe muscle pain. Nevertheless, we hope you can support the rest of BINI and keep the summer energy high. See you all at Festival Mall Alabang!” ang nakasaad sa official statement.


Subalit may mga nakakita kay Maloi sa gig ng napapabalitang boyfriend nito na si Zild Benitez ng bandang IV of Spades noong Sabado ng gabi na inabot hanggang madaling-araw ng Linggo.


May isang fan na naglabas ng resibo ng selfie nila ng nasabing miyembro ng Nation’s Girl Group na kuha raw sa gig ni Zild.


Naka-post sa Reddit ang screenshot ng mga pambabatikos ng mga dismayadong Blooms (BINI’s fandom) kay Maloi at ang iba’y below the belt na ang komento. Marami sa kanila ang hindi naniniwala na may muscle pain na iniinda ang kanilang idolo.

May mga non-fans na nagtanggol naman kay Maloi mula sa mga umano’y toxic fans at sinabing tao lang daw ito na puwedeng magkaroon ng love life.

Wala pang pahayag ang grupo o si BINI Maloi mismo sa isyung ito.





MULING nagmarka ng panibagong international milestone ang ABS-CBN matapos maging kauna-unahang Pinoy teleserye ang 2 Good 2 Be True (2G2BT) na umeere sa free-TV channel sa Middle East sa pamamagitan ng Dubai One noong Pebrero 16.

Naitapat ang pag-ere ng serye sa panahon ng Ramadan, isa sa mga major television season sa rehiyon.


Mapapanood ang teleserye sa English-dubbed format na may Arabic subtitles. Mayroon din itong replay telecasts araw-araw tuwing 10 AM at 4 PM.

Ang Dubai One, na pagmamay-ari ng Dubai Media Incorporated, ay isang nangungunang English-language free-to-air channel na napapanood sa Middle East at North Africa. Karaniwang tampok sa line-up nito ang mga serye at pelikula mula sa United States, United Kingdom, Australia, at iba pang English-language markets.


Pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sinusundan ng serye ang kuwento ni Eloy, isang mekaniko at Law student na determinadong linisin ang pangalan ng kanyang ama, at ni Ali, isang mapagkalingang nurse na nangangarap maging doktor. Ang kanilang kuwento na puno ng pag-ibig at pag-asa ay tumatak sa mga manonood sa Philippines, kaya naman nanatili ang palabas sa Top 10 ng Netflix Philippines sa loob ng 32 sunud-sunod na linggo.


Pinalalakas din nito ang presensiya ng ABS-CBN sa Middle East. Noong 2024, ang A Soldier’s Heart (ASH) ang naging unang Filipino series na inilabas sa Arabic-dubbed version sa pangunahing video-on-demand platforms sa rehiyon.


Sa mahigit 50,000 oras ng content na naibenta sa higit 50 bansa sa buong mundo, patuloy na pinapalawak ng ABS-CBN ang global reach ng Filipino storytelling, pinatutunayan na kayang makipagsabayan ng mga kuwentong Pilipino sa pinakamalalaking entablado ng mundo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page