top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bucks, wala pa ring talo, Suns, lider uli, T'wolves, nanakmal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 7, 2022
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 7, 2022



Kahit wala si superstar Giannis Antetokounmpo ay humaba sa siyam ang sunod-sunod na tagumpay ng numero unong Milwaukee Bucks at idagdag na ang bisitang Oklahoma City Thunder, 108-94, sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa Fiserv Forum. Gumanti ang Phoenix Suns sa bisitang Portland Trail Blazers, 102-82, at maagaw muli ang liderato ng Western Conference.


Hindi muna naglaro si Giannis dahil masakit ang tuhod subalit umangat ang mga kakampi lalo na ang kanyang kapalit na si Bobby Portis na may 12 puntos at humakot ng 21 rebound. Nanguna si sentro Brook Lopez na may 25 puntos at 19 puntos mula sa limang tres si reserba Grayson Allen.


Halos 24 oras matapos ang huli nilang paghaharap, maagang sinigurado ng Suns ang resulta at naiwasang mapahiya sa harap ng kanilang mga tagahanga at umakyat sa 7-2 habang bumaba sa 6-3 ang Portland. Nagkalat ng 24 puntos si Devin Booker at 15 puntos si Chris Paul at mabura ang mapait na talo noong isang araw kung saan naka-shoot si Jerami Grant ng Blazers sa huling segundo, 108-106.


Nagpaulan ng pinagsamang 27 three-points ang Boston Celtics at tinambakan ang New York Knicks, 133-118. Tig-anim na tres sina Jaylen Brown at Jayson Tatum patungo sa 30 at 26 puntos.


Lalong itinulak ng Minnesota Timberwolves ang Houston Rockets pababa sa ilalim ng liga, 129-117, kahit wala ang kanilang All-Star Rudy Gobert dahil sa health protocol.


Lumipat sa sentro si forward Karl Anthony Towns at bumanat ng 25 puntos habang nasayang ang 21 puntos ni kabayan Jalen Green para sa Rockets na isa lang ang panalo sa 10 laro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page