top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bucks, inilaglag ang Nets; Clippers vs. Suns, abangan

BULGAR
Jun 21, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 21, 2021




Piniga ng bisitang Milwaukee Bucks ang lahat ng kanilang natitirang lakas upang talunin ang Brooklyn Nets sa overtime, 115-111, sa Game Seven ng Eastern Conference semifinals ng 2021 NBA Playoffs kahapon sa Barclays Center. Sumandal ang Milwaukee sa dalawang magkasunod na buslo nina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton sa huling minuto upang maagaw ang tagumpay sa paboritong Brooklyn at kunin ang serye, 4-3.

Bago noon, bumida si Kevin Durant at itinakda ang overtime sa kanyang 2 puntos na may isang segundong nalalabi sa 4th quarter, 109-109. Sa overtime, pinalamang agad ni Bruce Brown ang Nets, 111-109, at matagal ang lumipas bago ang kabayanihan nina Antetokounmpo at Middleton na umagaw ng lamang, 113-111, at 40 segundo sa orasan.

Sinubukan ni Durant na gumawa ng isa pang milagro subalit mintis ang tira na may isang segundong nalalabi. Sinigurado ni Brook Lopez ang huling talaan sa kanyang dalawang free throw galing sa foul ni James Harden bago tumunog ang huling busina. Halimaw si Antetokounmpo na may 40 puntos.

Ang magiging kalaro ng Bucks sa East Finals ay malalaman ngayong araw sa pagbisita ng Atlanta Hawks sa Philadelphia 76ers para sa kanilang Game Seven sa Wells Fargo Center. Ganado ang Hawks galing sa 106-103 na pagwagi sa Game Six kaya tututukan ng depensa ng 76ers si Trae Young at aasa na maganda ang lalaruin nina Joel Embiid, Tobias Harris, Ben Simmons at Seth Curry.

Magbubukas din ang seryeng best of seven ng West Finals sa pagitan ng bisitang Los Angeles Clippers at Phoenix Suns sa 3:30 a.m. Ito ang unang pagkakataon ng Clippers na makalaro sa West Finals sa kanilang kasaysayan matapos talunin ang numero unong Utah Jazz habang nakapahinga ng mabuti ang Suns matapos walisin ang Denver Nuggets, 4-0, noong nakaraang linggo.

Parehong papasok sa serye ang dalawang koponan na wala ang isang bituin. Hindi maglalaro at hindi tiyak ang pagbalik nina Kawhi Leonard ng Clippers (tuhod) at Chris Paul ng Suns (COVID-19 protocol) kaya panahon na para umangat ng laro ng kanilang mga kakampi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page