Bucks, Imakulada, Jazz, iniskoran ang Lakers, Pelicans, namitik
ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 6, 2022

Perpekto pa rin ang numero unong Milwaukee Bucks matapos patahimikin ang Minnesota Timberwolves, 115-102, para sa ika-8 panalo sa NBA kahapon sa Target Center. Kasunod nito ay tinapos ni Gilas Pilipinas Jordan Clarkson at Utah Jazz ang saglit na kaligayahan ng Los Angeles Lakers, 130-116 at dumikit sa mga nangunguna sa Western Conference.
Umangat ang kalidad ni Giannis Antetokounmpo para sa triple double na 26 puntos, 14 rebound at 11 assist at ang pinakamagandang simula ng Bucks sa kasaysayan.
Gumawa ng 29 puntos si Jrue Holiday.
Nagpabaya ang Lakers sa depensa at pinayagan lumamang ang Jazz sa first half, 75-62.
Nanguna sa Jazz si Lauri Markkanen na may 27 puntos at 13 rebound at sumunod si Clarkson sa 20 puntos. Nag-ambag ng 28 puntos para sa Lakers si Russell Westbrook.
Ipinasok ni Jerami Grant ang bola kasabay ng tunog ng huling busina at ilusot ang Portland Trail Blazers vs. Phoenix Suns, 108-106. Nagtala ng 30 puntos si Grant habang 14 puntos si Jusuf Nurkic na itinabla ang laban na may 23 segundong nalalabi, 106-106.

Patuloy ang suliranin ng Golden State Warriors at ipinalubog sila ng New Orleans Pelicans, 114-105, sa araw na hindi naglaro sina Stephen Curry, Klay Thompson Andrew Wiggins at Draymond Green. Bumida sina Brandon Ingram na may 26 puntos at Larry Nance Jr. at CJ McCollum na parehong may tig-20 puntos.
Nagsabog sa Cleveland Cavaliers si Kevin Love 21 puntos at 10 assist sa 112-88 tagumpay kontra sa Detroit Pistons. Sa ibang mga laro, nilusutan ng Indiana Pacers ang Miami Heat, 101-99, at nanaig ang New York Knicks sa Philadelphia 76ers, 106-104.
Nagtala ng 36 puntos si Jayson Tatum at nagwagi ang Boston Celtics sa Chicago Bulls, 123-119.





Comments