BTS, unang pop group na lumampas sa $500-M ticket sales

by BRT @K-Buzz | October 3, 2026

Photo: BTS / Instagram
Umabot na sa mahigit $500 milyon ang kabuuang ticket sales ng “Arirang” world tour ng BTS, dahilan para maging unang pop group sa mundo na makamit ang naturang milestone, ayon sa Billboard.
Batay sa Billboard Boxscore, nakalikom ang grupo ng $171.7 milyon mula sa 12 concert noong Agosto, na dinaluhan ng tinatayang 800,000 fans.
Dahil dito, nanguna ang BTS sa Billboard’s monthly Top Tours chart sa ikalimang pagkakataon.
Ayon pa sa Billboard, may nasa 40 concert pang nakatakda ang grupo at maaaring umabot sa $1 bilyon ang kabuuang kita ng “Arirang” tour.





Comments