ni Angela Fernando - Trainee @News | October 30, 2023
Idiniin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kahalagahan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), dahil ang mga lokal na opisyal na ito ang maghahatid ng mga boto para sa pulitiko sa pambansang antas.
Saad ni Marcos, personal ang lokal na halalan sapagkat ang mga opisyal ng barangay ang makakapagsabi kung gaanong karaming boto ang madadala nila sayo.
Dagdag niya, 'yon ang maaaring dahilan kung bakit mainit ang eleksyon ng brgy. levels.
May 1.4-milyon ang nag-file ng kanilang kandidatura para sa BSKE ngayong taon.
Ayon sa Pangulo, ang isang political party ay dapat malakas upang matulungan ang kanilang mga kandidato para sa posibleng kaguluhan.
Matatandaang sinabi ni Marcos Jr nu'ng Agosto na ang kanyang political party na Partido Federal ng Pilipinas ay nagbabalak na magkaroon ng mga alyansa para sa darating na eleksyon sa 2025.
Comments