top of page
Search
BULGAR

Brownlee walang kupas ang pamamayani, Gin King lumapit sa semis

ni Rey Joble @Sports News | Sep. 30, 2024



Sports Photo

Gaya ng dati, muling rumesponde si Justin Brownlee para isalba ang Barangay Ginebra para matakasan ang mahigpit na karibal na si Allen Durham at Meralco Bolts, 104-103, sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum nitong Sabado ng gabi.


Naging balikatan ang labanan gaya ng inaasahan pero gaya ng kanyang nakagawian, muling bumida si Brownlee para isalba ang kanyang koponan.


Sariwa pa sa alaala ng PBA fans ang kabayanihang ginawa ni Brownlee kung saan ipinukol niya ang buzzer-beating three-point shot noong 2016 Governors’ Cup sa unang beses na nagkaharap ang Ginebra at Meralco sa best-of-seven championship series, pero tila nanumbalik sa memorya ng mga taga-Barangay Ginebra ang emosyonal at dramatikong panalong iyon.


Si Brownlee na naman ang siyang gumiya sa kanyang koponan kung saan ang kanyang step back three-point shot sa huling 10 segundo ng laban ang nagbalik trangko para sa Barangay Ginebra. Pero kinailangan ng Gin Kings ang solidong depensa sa huling opensiba ng Bolts bago tuluyang maitakas ang panalo.


Dahil sa panalo, lumapit ang Ginebra patungo sa Final 4 matapos maiposte ang 2-0 na kalamangan sa best-of-five series. Nais isara ng Ginebra ang serye sa Lunes kung saan tangka nilang walisin ang Meralco.


“We jumped on to the broad shoulders of Justin. He had done that many times in the past,” ang sabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone. “But we also have some realization that we can’t do that every night. We need to do better in our next game. But tonight, it’s Justin’s night.” Kumana ng 39 puntos si Brownlee, kabilang dito ang isang three-point shot.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page