top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

'D-Incredible Dy pina-knockout si Malignaggi sa 2nd rnd ng BKB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | May 18, 2026



Rolando vs Malignaggi

Photo: Ang bumangga giba! Nanatili pa ring hari ng BKB nang matagumpay na nadepensahan ni Rolando Dy ang kanyang Bare Knuckle Boxing Super Welterweight world title matapos talunin si Paulie Malignaggi. (BKBpix) 



Tinupad ni World bare-knuckle champion Rolando “D-Incredible” Dy ang kanyang pangako na tatapusin sa pamamagitan ng knockout si dating two-time world boxing titlist Paulie “Magic Man” Malignaggi sa bisa ng second round upang mapanatili ang Bare Knuckle Boxing (BKB) Police Gazette World super-welterweight kahapon sa BKB 54: Mayhem sa Manchester sa AO Arena sa United Kingdom.  


Ipinalasap ng dating mixed martial arts titlist ang tindi ng mga upak sa legendary boxer upang tuluyang ipatigil ni referee Clive Allison ang laban sa 56 segundo para mailista ang kanyang ika-apat na sunod na panalo at kauna-unahang depensa sa korona.


 “It’s bitter and sweet, because I’ve beaten a legend, but I don’t like to retire someone, but it is what it is. I just wanted to do my job,” pahayag ng 35-anyos na anak ni dating World Boxing Council (WBC) super-featherweight champion Rolando “Bad Boy from Dadiangas” Navarette.


Bago ang kanilang pagtatapat, inihayag ng dating UAE Warriors Featherweight champion na puntirya nitong pabagsakin ang dating world super-lightweight boxing titlist sa official weigh-in, na hindi nito palalagpasin ng fifth round ang laban.


Agad na naging agresibo sa atake ang Pinoy fighter na bumitaw ng sunod-sunod na kumbinasyon ng kaliwa’t kanang upak. Bagaman napipigilan ni Malignaggi ang mga atake ni Dy dulot ng mga yakap, patuloy pa ring bumibitaw ng mga banat sa tagiliran ang tubong Dasmarinas, Cavite sa first round.


Bumitaw naman ng left-right combination si Dy na tumama sa panga ni Malignaggi upang makuha ang unang knockdown. Ramdam ang pagkahilo, mas lalo pang inundayan ng suntok ni Dy ang katunggali at muling natyempuhan ng kanang straight sa mukha para tuluyang tapusin ang laban. Naiangat rin ni Dy ang kanyang bagong kartada sa anim panalo at isang talo kaantabay ang mga knockout wins.                        


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page