Brownlee, Tenorio at Thompson, sakalam!
- BULGAR
- Jan 5, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | January 5, 2023

Gumawa nang nakagugulat na paraan sina Scottie Thompson at Jamie Malonzo at bigyan ng malaking sunud-sunod na iskor ang team at tulungan ang Ginebra Gin Kings na pahiyain ang Bay Area, 89-82 at panatilhin ang never-say-die spirit para kunin ang kalamangan sa 2-1 lead sa PBA Commissioner’s Cup Finals Game 3 kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
Lumagare ang reigning league MVP sa 1:26 na oras na natitira para sa go-ahead basket at ilang sandali pa ay nasundan ito ng tres puntos nina Justine Brownlee at Malonzo para sa 84-79 lead sa loob lamang ng 1 minuto. Bumanat ng papatapos na mga iskor sina Justin Brownlee at LA Tenorio para tapusin ang kontensiyon at kumpletuhin ang tuwa at saya ng mga manonood na umabot sa 15,004 na Ginebra fans ang unang pinalungkot nila dahil sa 14 na kalamangan na ang itinatarak ng Bay Area Dragons sa third quarter.
Ang Game 4 ay sa Biyernes sa parehong venue. Nanalo ang Kings sa Game 1, 96-81.

Bumawi ang guest sa Game 2, 88-72 kaya tabla ang serye sa 1-all bago nagpahinga at bigyan daan ang pagdiriwang ng Bagong Taon. Sa mainitan at kapana-panabik na salpukan ng dalawang magkaribal sa una nilang paghaharap sa championship ng Commissioner’s Cup ay nagawang dumalawa ng Gin Kings.
Target ni coach Tim Cone ang pang-25th PBA title mula 1994 kasama ang dalawang grandslam.
Determinado ang 64-year old American mentor na permanente nang naninirahan sa 'Pinas na kunin ang koronang huling napanalunan ng Kings noong 2018. “This game is very important to us. We have to win Game 3 at all cost and seize the initiative. We are range against strong championship rival. We have to do it because our ultimate goal is to win the title,” sabi ni Cone.





Comments