top of page
FRANKLY - IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO - KAREN-IG _iamkarendavila.jpg

Brownlee sumiklab sa Game 1 Finals, Kings inunahan ang Tropang 5G

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 3, 2026



Inaasinta ni Justin Brownlee ng Ginebra ang basket sa harapan ni Roger Pogoy ng TNT sa Game 1 finals sa PBA Commissioners Cup sa Big Dome Miyerkules ng gabi.

Photo: Inaasinta ni Justin Brownlee ng Ginebra ang basket sa harapan ni Roger Pogoy ng TNT sa Game 1 finals sa PBA Commissioners Cup sa Big Dome Miyerkules ng gabi. (Reymundo Nillama)



Laro sa Biyernes - Araneta 7:30 PM TNT vs. Ginebra



Nagising sa tamang panahon si Justin Brownlee at Barangay Ginebra upang maukit ang 102-100 panalo sa defending champion TNT Tropang 5G Miyerkules ng gabi sa simula ng 2026 PBA Commissioner's Cup Finals sa siksikang Araneta Coliseum. 


Ipinasok ng beterano ang nagpapanalong buslo na may 0.6 segundo sa orasan. Bago noon ay itinabla ng three-points ni Roger Pogoy ang laban, 100-100, at 10 segundo ang nalalabi. Galing sa timeout, tumanggap ng bola si Brownlee at pinalipas ang oras bago umarangkada at tumalon laban sa depensa ni Chris McCullough.


Lamang ang Gin Kings sa pangatlong quarter, 64-46, subalit matiyagang humabol ang Tropa. Nagbagsak ng 12 sunod-sunod na puntos ang Tropa para maagaw ang lamang, 91-88, upang ilatag ang nakakahilong huling limang minuto. Bumomba ng four-points si Best Player RJ Abarrientos para sa 100-97 iskor. 


Nagmintis ng four-points si Pogoy pero nakuha pa rin ang rebound at ipinasok ang nagpatablang tres. Uminit si Abarrientos para sa 24 habang 23 si Brownlee. 


Nag-ambag sina Troy Rosario ng 16 at Scottie Thompson na may 15. Nanguna sa TNT si McCollough na may 25 at 14 rebounds. 


Sumunod sina Pogoy na may 22 at 19 para kay Nambatac. Ang Game 2 ay ngayong Biyernes sa parehong palaruan. 


Samantala, pinadala ng San Miguel Beermen si Juami Tiongson at rookie Chris Miller sa Terrafirma Dyip kapalit sina Jerrick Ahanmisi at Paolo Hernandez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page