top of page

Brownlee naturalization, minamadali; h'weight champ Wilder, may 2 pang target

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18, 2022
  • 1 min read

ni MC - @Sports | October 18, 2022



ree

Minamadali na umano ang proseso ng naturalization ni PBA import Justin Brownlee para agad itong mabigyan ng Filipino citizenship at makapaglaro sa Gilas Pilipinas sa susunod na taon.


Ayon sa ulat, target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maging naturalized Filipino si Brownlee upang palalasin ang Gilas Pilipinas na sasabak sa Fiba World Cup.


Ipapalit si Brownlee sa pwesto ni Filipino-American player Jordan Clarkson na meron pang commitment sa NBA team nito na Utah Jazz hanggang sa susunod na taon.


Matatandaang nag-sorry si Brownlee kay Senator Francis Tolentino, ang chaiman ng Senate Committee on Justice, na siyang namamahala sa naturalization hearings dahil sa pagkadelay ng ilang niyang dokumento na isusumite sa kongreso.


Inamin ng 34-anyos na Ginebra import na na-delay ang processing ng kanyang mga dokumento dahil sa pagpanaw ng kanyang agent.


Bukod kay Justin, pinapaspasan din ng SBP ang naturalization process sa isa pang PBA import mula sa TNT na si Cameron Oliver para maging reinforcement din ng Gilas Pilipinas basketball World Cup.


Samantala, inamin ni dating longtime heavyweight champion Deontay “The Bronze Bomber” Wilder na may dalawa siyang target na gustong makalaban matapos niyang mapatumba sa unang round si Robert “The Nordic Nightmare” Helenius sa WBC Heavyweight title Eliminator.


Ayon sa ulat, ito ang unang laban niya mula ng talunin siya ng ng tigasing si Tyson Fury sa ikatlong pagkakataon na kanilang paghaharap noong Oktubre 9, 2021.


Naging strategy umano ni Wilder ang pag-atake kapag bumabanat si Helenius.


Isiniwalat ni Wilder matapos ang laban na nais niyang makasagupa ang dalawang boksingero sa listahan niya — si Oleksandr Usyk at Andy Ruiz Jr para sa heavyweight division.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page