Brooks, binigo si Pacio sa ONE Strawweight Title
ni Gerard Arce - @Sports | December 5, 2022

Naubos ang nalalabing titulo para sa Pilipinas nang nang maisuko ni Joshua “The Passion” Pacio ang ONE Strawweight belt kay Jarred “The Monkey God” Brooks ng U.S. sa 5th round ng unanimous decision habang bigo ang iba pang miyembro ng Team Lakay, at opisyal na nagretiro si dating ONE Heavyweight titlist Brandon “The Truth” Vera, Sabado ng gabi sa jampacked na SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nanlumo ang 20,000 manonood nang mabigo ang nag-iisang kampeon ng bansa matapos hindi maibigay ang eksplosibong laban sa 29-anyos na Kano na pinahaba ang winning streak sa anim, habang naputol naman sa tatlong beses na pagtatanggol sa korona ang natanggap ni Pacio.
Pinaboran ng tatlong hurado ang magandang laro ni Brooks na tatlong beses na nai-takedown si Pacio habang nagpakawala ito ng malulutong na kombinasyon at sipa.
“Most respect to Joshua Pacio and to Team Lakay, I know I had some choice words, but I’m just trying to make this fight as well as anybody else is. I love the Filipino people, I have not met any bad Filipino person. I really want to show my heart the next fight, I’ve been heal a lot in the last fights, but I’m a good person and I don’t want to think everybody that I’m not,” pahayag ni Brooks matapos ang laban.

Nagtagumpay sa submissions ng Team Lakay sina Jhanlo Mark “The Machine” Sangiao at Jerermy “Juggernaut” Pacatiw ng patapikin sina Pinoy Anacleto Lauron at Tial Thang ng Myanmar. Pinasuko ni Sangiao si Lauron sa firs round rear naked choke, habang pinasuko ni Pacatiw si Thang sa 1:17 sa triangle choke.
Nabigo sina Jenelyn Olsim kay Meng Bo ng China sa women’s Atomweight; Adonis Sevellion kontra kay Pinoy Drex Zamboanga sa decision sa men’s featherweight; at Geje Eustaquio sa 4:43 sa men’s flyweight.
Tinapos naman ng 45-anyos na Fil-Am na si Vera ang mahigit na 20-taon na pakikipagbakbakan sa MMA nang pormal itong nagpaalam sa pampalakasan matapos mabigo sa first round kay Amir Aliakbari.





Comments