Brigada eskwela 2021, muling binuksan sa Potrero National High School
- BULGAR
- Aug 28, 2021
- 2 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | August 28, 2021

Hello, Bulgarians! Nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon, naging mapanghamon sa mga magulang, guro at mag-aaral ang sistema ng edukasyon. Bukod sa pagkatuto ng mga bata, prayoridad rin ng Kagawaran ng Edukasyon ang kalusugan ng bawat isa kaya’t inilunsad ang “blended learning” upang hindi mahinto ang pagkatuto ng mga mag-aaral kahit sila ay nasa kanilang mga tahanan lamang. Sama-samang binuno ng mga magulang, guro at stakeholders ang nakaraang school year kaya’t sa kabila ng napakabigat na hamon, matagumpay na naitawid ang edukasyon sa gitna ng banta COVID-19.
Ngayong taon, hindi pa rin natatapos ang laban ng bansa sa pandemya at muling magsisimulang ang panibagong taong pampanuruan 2021-2022. Isa na naman itong bagong pagkakataon na maipakita ang isa sa ipinagmamalaking kaugalian ng mga Pilipino, ang bayanihan.
Sa lungsod ng Malabon, inilunsad ng Potrero National High School ang BRIGADA ESKWELA 2021 na may temang “Bayanihan para sa Paaralan”. Ang Brigada Eskwela ay ang taunang paghahanda na ginagawa ng mga paaralan para sa paparating na panibagong school year. Dito ipinapakita ang pagtutulungan at pagdadamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong at serbisyo para sa paaralan.
Ngayong taon, mula Agosto 3 hanggang Setyembre 30, bukas para sa lahat ang gawaing ito kaya’t kung sinuman ang nais magbigay ng tulong o donasyon sa Potrero National High School, maaari kayong makipag-ugnayan sa numerong 835-432-43 at 836-777-94. Bukas ding tumanggap ng tulong ang kanilang Brigada Eskwela Secretariat sa numerong 09606216009 o di naman kaya ay sa email address na potreronhs.be2021@depedmalaboncity.ph. Ang anumang donasyon na inyong ibibigay ay malaking tulong para sa magulang at mag-aaral ng minamahal nating paaralan.
Muli, sama sama tayong magbayanihan para sa bata at para sa bayan.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.



Comments