Brent, napabilib… MIKA, IPINAMIGAY LANG ANG P1M PREMYO SA PBB
- BULGAR

- Jul 14, 2025
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 14, 2025
Photo File: Mika Salamanca - IG
MARAMING netizens ang pumupuri sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Grand Winner na si Mika Salamanca. Ang kanyang napanalunan kasi na P1M ay idinoneyt niya sa Duyan Ni Maria Orphanage na matatagpuan sa Mabalacat, Pampanga.
Maging ang ka-tandem ni Mika na si Brent Manalo ay hanga rin sa ginawa niya. Pareho silang Kapampangan.
Ang Duyan Ni Maria Orphanage ay kumukupkop at nagpapaaral sa mga batang ulila at galing sa mahihirap na pamilya. Inaalagaan din nila ang mga matatanda.
Sinsero at taos-puso ang pagdo-donate ni Mika ng kanyang napanalunan na 1M sa Duyan Ni Maria Orphanage. Ibinabalik lang daw niya sa mga tao ang mga blessings at suporta na natanggap niya mula sa mga bumoto sa kanya sa PBB Celebrity Collab Grand Finals.
Samantala, dumalaw din siya sa Home for the Elderly upang pasayahin ang mga ito. Tunay namang “Big Winner with a big heart’ si Mika Salamanca.
Naging close sa PBB…
ESNYR, BINIGYAN NI IVANA NG LV BAG
MATAPOS bigyan ni Ivana Alawi ang anak ni Katrina Halili na si Katie ng iPhone at mga laruang worth P64,000, ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab housemate na si Esnyr naman ang niregaluhan niya ng mamahaling Louis Vuitton bag.
Sobrang tuwa ni Esnyr nang makita at buksan ang box ng LV bag. Pinasalamatan niya nang todo si Ivana sa ibinigay na bonggang regalo sa kanya.
Naging malapit si Ivana kay Esnyr nang maging house guest siya sa Bahay ni Kuya. Masayahin kasi ito at laging nagpapatawa sa mga PBB housemates.
Marami ang naiinggit ngayon sa LV bag ni Esnyr at napapa-‘sana all’ na lang sila. Ibang klaseng magregalo talaga si Ivana, bonggacious!
Rich kid, gusto lang sumikat….
P5.9 M CAR NA REGALO KAY BIANCA NG PARENTS, MAS MAHAL PA SA PREMYO SA PBB
MAY nagtataka at nagtatanong kung bakit may mga rich kids o mga batang galing sa mayamang pamilya ang gustong mapasama sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ganu’ng hindi naman nila kailangan na kumita sa showbiz.
Tulad na lang nitong si Bianca de Vera na unica hija, anak-mayaman at successful sa negosyo ang parents at kayang ibigay ang lahat ng luho na gusto niya.
Sabi nga, mas malaki pa raw ang halaga ng kanyang brand new Mercedes Benz SUV kesa sa cash prize ng nanalong Grand Winner na si Mika Salamanca.
Regalo ng parents ni Bianca ang Mercedes Benz SUV na worth P5.9M, ibinigay sa kanya ito bago ginanap ang grand finals ng PBB Celebrity Collab Edition.
Well, prestige lang ba ang habol ni Bianca kaya siya sumali sa PBB? Mas gusto ba niya ang sumikat sa showbiz kesa mag-manage ng kanilang negosyo?
Kakayanin ba niya ang magpaka-masa upang mapalapit sa mga fans?
Well, mas marami ang nakaka-relate sa mga nahihirapan na tumatayong breadwinner ng pamilya kumpara sa mga rich kids.










Comments