Breakup nila, kinumpirma na… SIGAW NI DEREK: WALANG PROBLEMA KAY ANDREA!

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 21, 2020

Kinumpirma na ni Derek Ramsay na hiwalay na sila ni Andrea Torres.
Ang tanong ng mga netizens ngayon ay papaano na raw ang vlog nilang dalawa na kari-release lang kamakailan?
Isang follower ng aktor ang nagkomento sa post na mukhang si Andrea ang sinisisi kaya agad natapos ang relasyon nila gayung isang taon pa lang tumatagal.
“Ano ba kayo, 1 yr. lang sila ni Andrea samantalang 'yung past niya, 6 yrs. lahat. Bakit ganu'n kadali kay Andrea? Something is wrong with Andrea. 'Wag n'yo isisi kay Derek lahat, 'yung past niya, 6 yrs.,” lahad ng netizen sa comment section.
Ang sagot ng aktor, wala raw problema kay Andrea at wala ring third party involved.
Kalakip ang family picture niya, may caption si Derek na: “Pls. don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman.
“There is no third party!!! The breakup has happened so fast. Maybe 2 people are not just meant to be. Pls. respect us na lang. We shared our love to all of you. Sana naman, we can keep this to ourselves. Mahal ko si Ada kaya 'di ako magsasalita pero if I hear lies about her, I will defend her."
Umingay ang hiwalayan nina Derek at Andrea nang mapansin ng mga followers na binura na nila sa kani-kanilang IG account ang mga larawan ng isa't isa.
As usual, pawang hindi agree ang mga netizens sa ipinahayag ng aktor.
“Sus, lahat naman ng ex mo, walang third party involved. Ikaw lang talaga ang nag-iisa… who's next?”
“Grabeng lalaki ito. Naglalaro na lang. Makahanap sana ng BUNGI AT MABUNGANGA at makarma. So full of himself.”
Ang sabi naman ng isang netizen, mukhang si Derek ang nang-iwan base umano sa sagot ng aktor.
“'Pag mga ganyang sagot at pagtatanggol sa ex-gf, for sure, siya ang umiwan.”
“Haayy, nagsawa ka na kasi kay Andrea, dami pa kuda.”
May nagmamalasakit naman sa Kapuso actress.
“Parang ngayon ko lang masasabi na nu'ng una, ‘downgrade’ si Andrea from the previous ni Derek, for whatever reason. Pero mukhang Andrea deserves better and good for her na wala na siya sa buhay ni Derek.”
May nagbiro namang, “Baka si Derek at si Miss Uganda, 'yung guest dati sa Raffy Tulfo, ang talagang meant to be."
“Kisapmata lang? Kawawa ang babae sa ganitong lalaki. Trial and trial and all error. Masampulan sana ito.”
“Andrea is way smarter than Derek's exes. Know why? Ba't ka pa mag-stay nang matagal sa isang relasyon kung alam mong doom na from the beginning? At least 'yung freshness at alindog mo, hindi nasayang sa isang tao lang."
“Si Derek ang maingay sa social media, si Andrea, walang sinabi kahit ano. Kung sino'ng maraming sinasabi, siyang guilty, chos!”
“He is just adding insult to injury by commenting AS IF he is defending Andrea. He thinks he is being a gentleman by doing that? The answer is a big NO!”
“Ano na'ng mangyayari sa vlog nila na AnDrek?”
“Guilty siguro. I don't like men who can't keep their mouth shut. Mas gentleman pa umasta si girl.”
“I would like to hear Andrea's side of the story. Hmmmm.”
“Magaling lang si Derek sa lip service kaya mabilis mabola ang mga babae.”
Hahaha! Ang guwapo naman kasi ng aktor at ang animal sex appeal, grabe, makalaglag-panty talaga!
'Yun talaga ang komento ko, oh! Hahahaha!





Comments