top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Break na raw kay Barbie… RICHARD, VIVAMAX STARLET ANG BAGO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19, 2025
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 19, 2025



  • Richard Gutierrez - IG

Photo: Richard Gutierrez - IG


Hiwalay na nga ba sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial?

Kamakailan kasi ay nakita raw ang aktor na kasama ang girl na nagngangalang Charlotte Winter.


“Sino ba ang girl na ito?” tanong ng mga netizens.

Eto ang nakuha naming komento sa mga netizens…


“Ano’ng nangyari kay Richard? Pumapatol na sa mga sugar babies. ‘Di ba, may nag-post din last year while he was dating Barbie na spotted si Barbie with Chavit?”


Ito pa ang ibang tugon ng mga netizens sa tsikang kumakalat, “Pa-downgrade nang pa-downgrade si Richard. Anne, Georgina, Sarah, etc. to this girl. Ang bilis din n’ya magpalit ng jowa, ha?”


Eto naman ang komento ng ilang netizens sa Fashion Pulis…


“Ang bilis naman, wala na pala sila ni Barbie?”


“Hiwalay na sa asawa. So buhay-binata si Richard, enjoy lang. Alangan namang magmukmok s’ya sa isang tabi. Collect and collect.”


“Ganu’n talaga ang lalaki. Kay Barbie, ‘di tumagal.”

“Mahilig pala talaga siya sa mestiza.”


“Whahaha! Pagkatapos kay Xian Gaza, you mean sinalo mo, Richard? Ano ba naman ‘yan!”

“Jowa ni Christian Gaza ‘yan, ah.”


“Sorry na pero ang hilig ni kuya (Richard) sa starlet yata?”

“Can’t even consider this girl a star…”


“Tunog-sosyal ‘yung name, parang model, eh, then nu’ng Ginoogle ko, ay, Vivamax starlet pala.”


Bukas ang BULGAR para sa pahayag ni Richard Gutierrez.


Atat na raw pakasalan ng padir ng anak…

SOFIA, BUMILI NG SARILING DIAMOND RING, IDINISPLEY SA IG


ANG daming nag-aakalang engaged na si Sofia Andres sa longtime live-in partner na si Daniel Miranda, ang car racer kung saan may isa na silang anak, si Zoe Natalia Miranda.


Sa Instagram (IG) ng aktres ay may posted photos siya na isang luxurious ring, including a black and white close-up and a joyful portrait.


Ang nasabing singsing ay tila isang engagement ring na para kay Sofia.

Ang caption niya, “Diamonds are forever.”


Kaya naman ang mga kapwa celebrities ng aktres ay nag-congratulate sa kanila ni Daniel na sina Jugs Jugueta, Arci Muñoz, and Maja Salvador, Agot Isidro, Zeinab Harake, Chie Filomeno, at Denise Laurel.

Sey ng mga netizens:


“She bought it, she said in her IG story.”

“Her initial caption was confusing, she edited it tho.”


“‘Di pa s’ya engaged, binili n’ya raw para sa sarili n’ya. Check n’yo ang story ng shop.”

Maging si Bea Alonzo ay nag-congratulate sa aktres, even ang philanthropist na si Small Laude.


Komento naman ng isang netizen, “Galing ‘yan sa sanglaan ng Cebuana na hindi natubos.”


Halos lahat ay congratulatory notes ang ipinapadalang komento.


Sa bagay na ito, isang commenter ang nagsabing, “Atat na talaga ang aktres na makasal kay Daniel. Ultimo engagement ring, s’ya na rin ang bumili para masabing engaged na sila. Grabe, hindi makapaghintay na mag-propose sa kanya.”


Sey naman ng isa, “Hindi n’ya kinorek ang espekulasyon ng netizens. Hinayaang i-congratulate s’ya.”


Marahas na tanong naman ng isang commenter, “Ano ba talaga, Daniel, hindi ka pa ba magpo-propose kay Sofia? Nagpaparinig na nga, hindi ka pa kumikilos.” 

‘Kaloka! Kailan kaya sila ikakasal? 


Pero kung ano man ang maging desisyon nila ay kailangan nating irespeto at huwag pangunahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page