Break na kina Paul at Marco… MIKEE AT HEAVEN, TUWANG-TUWA SA INDEPENDENCE DAY
- BULGAR
- 6 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 13, 2025
Photo: Mikee Quintos at Heaven Peralejo - IG
Binigyan ng double meaning ng mga nakabasa ang “Happy Independence Day” caption nina Mikee Quintos at Heaven Peralejo sa reels post nila habang sila’y nasa beach.
Pareho kasing break na ang dalawa sa kani-kanilang boyfriend at para raw sa kani-kanilang ex ang nasabing caption.
Inamin na ni Mikee na break na sila ni Paul Salas. Sa kaso ni Heaven, wala pang kumpirmasyon na break na sila ni Marco Gallo. Napansin lang ng mga fans na deleted na ang photos nila sa Instagram ng aktres at ang natira na lang ay videos ng endorsement nilang dalawa.
Sa Siargao pala nagpunta sina Mikee at Heaven at may mga nagulat na friends pala sila. Akala ng mga fans, random lang ang pagko-comment ni Heaven na ‘maganda’ sa post ni Mikee tungkol sa mediacon ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS).
Comment ng mga fans, parang hindi galing sa breakup sina Mikee at Heaven dahil sobra silang nag-enjoy mag-swimming. Kasama nilang pumunta sa Siargao ang make-up artist nila na naging daan din yata para magkakilala ang dalawang aktres.
Speaking of Mikee, natuwa ito na hanggang ngayon, marami pa rin ang nagmamahal sa karakter niyang si Lira sa Encantadia. Excited ang mga fans sa pagbabalik nila ni Kate Valdez at inaabangan na ang mga gagawin nilang pagpapasaway at kakulitan sa Encantadia.
Mala-Julie Andrews na raw… SHARON, AYAW PANIWALAANG ‘DI NAG-TAKE NG GAMOT KAYA PUMAYAT
AYAW tigilan si Sharon Cuneta sa isyung nag-take siya ng Ozempic kaya pumayat at kahit ilang beses na itong itinanggi ni Mega, may makukulit na ‘yun pa rin ang pinaniniwalaan. May nadagdag pa nga sa listahan ng medicine na diumano’y ininom nito para pumayat.
May nag-comment na kung hindi Ozempic, baka Wegovy o Mounjaro raw ang ininom ni Sharon.
Dahil hindi kami familiar sa mga nasabing medicines, nag-Google kami at nalamang parehong for weight loss ang dalawang gamot. Kaya lang, itinanggi na ni Sharon ito at siya ang paniwalaan natin.
Sey nga ng fan ni Sharon, hindi nagsisinungaling ang aktres. Kahit ma-bash pa siya, ang totoo lang ang kanyang sinasabi.
“‘Yung skin and breast reduction nga, inamin n’ya,” sey ng fan, na totoo naman.
Ipinakita pa nga ni Sharon ang scar sa arms niya nang magpa-skin reductions siya, kaya kung nag-take man ito ng weight loss pills, sasabihin din for sure.
May mga naiinggit lang siguro sa kanya na pumayat na siya, samantalang sila ay hindi pa.
Anyway, ang payo naman ngayon kay Sharon ay huwag masyadong magpapayat. Mas maganda pa rin daw ang may konting laman.
Curious tuloy kami kung ano ang weight ni Sharon ngayon at kung ano ang waistline niya. Saka, kung ano ang sinusunod niyang diet at ilang calories a day ang intake niya.
Well, naaliw pala kami dahil ikinumpara si Sharon sa Hollywood actress na si Julie Andrews. Sinuman ang kamukha ni Sharon, masaya siya sa kanyang pagpayat at ‘yun ang importante.
PALALAKASIN pa lalo nina Luis Manzano at Alden Richards ang sales ng Rebisco crackers dahil dalawa na silang endorsers nito.
Si Luis ang original endorser at kasama na niya ngayon si Alden.
Sa renewal ng contract ni Luis, isinabay ang pagpirma ng kontrata ni Alden, kaya nagkita ang dalawa.
Kabilang si Luis sa mga nag-welcome kay Alden at nabanggit nito na pamilya ang kanyang sinamahan. Masaya ang contract signing ng dalawa dahil sa pagpapatawa ni Luis.
May mga humihirit na nga na i-guest ni Luis si Alden sa kanyang vlog para mas matagal ang kanilang kuwentuhan.
Ang request naman kay Alden ng mga fans ni Luis, yayain niyang tumakbo ito para ma-experience kasabay ng ibang runners.
Ngayong tapos na ang eleksiyon, magbabalikan na siguro ang ibang endorsement ni Luis na natigil noong pumasok siya sa pulitika.
Comentarios