top of page
WINNER - TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG-IG _reallysharoncuneta.jpg

Breadwinner ng pamilya… JOSHUA, TODO-KAYOD AT TIPID PARA MAKAPAGPATAYO NG SARILING BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 26, 2026



TEKA NGA - JOSHUA, TODO-KAYOD AT TIPID PARA MAKAPAGPATAYO NG SARILING BAHAY-IG _garciajoshuae

Photo: IG _garciajoshuae



Breadwinner ang aktor na si Joshua Garcia kaya ganoon na lamang ang sipag at dedikasyon niya sa kanyang showbiz career. 


Marami ang umaasa sa kanya kaya maingat siya sa paghawak ng kanyang kinikita. Prayoridad niya ang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya. 


Nakapagpatayo na siya ng three-storey townhouse para sa kanyang mga magulang. Pangarap din niyang makapag-franchise ng fast food sa kanilang bayan sa Batangas.


Bilang bahagi ng kanyang pag-iipon, nagbawas din siya ng mga sasakyang hindi na niya ginagamit, pati na ang isang high-end na motorsiklo. Plano rin niyang magpatayo ng sariling bahay kapag mas naging stable na ang kanyang finances. 


Well, alam niyang walang kasiguraduhan sa showbiz kaya patuloy siyang nag-iipon habang may mga proyekto. Simple rin ang kanyang pamumuhay at hindi siya magastos.





SOBRANG excited ang aktres na si Kylie Padilla sa kanyang role sa bago niyang action series sa GMA-7, ang Taskforce Firewall (TF)


Punumpuno ito ng action scenes at malaking hamon ito sa kanyang kakayahan.

Bagama’t may ilang mga risky na stunts, kinaya ito ni Kylie dahil nag-e-enjoy siya sa kanyang role. Nakikipagsabayan siya kina Jak Roberto at Miguel Tanfelix. 


Para kay Kylie, exciting ang paggawa ng mga stunts na hindi pa niya nasusubukan. Astig na astig ang kanyang porma.


Aminado si Kylie na noong single pa siya at wala pang mga anak, wala siyang inuurungan sa kanyang mga shows. May pagka-daredevil siya noon. 


Ngayon na may dalawa na siyang anak, mas maingat na siya lalo na sa mga delikadong

eksena. 


Gayunman, marami pa rin siyang stunts sa Taskforce Firewall na tiyak na magugustuhan ng mga viewers.


Nagsimula nang umere sa GMA-7 ang naturang serye.





MASAYANG nag-guest sina Camille Prats, Iya Villania at Suzie Entrata-Abrera sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Ramdam ang kanilang chemistry dahil dati na silang magkakasama sa hosting ng Mars


Pitong taong nakasama ni Camille si Suzie sa naturang programa, mula 2012 hanggang 2019. 


Noong una, aminado si Camille na nag-alinlangan siya sa pagho-host dahil drama ang kanyang forte at wala pa siyang experience sa hosting. Ngunit sa tulong ng beteranang host na si Suzie, unti-unti siyang nahasa.


Naging bihasa si Camille sa hosting hanggang sa magtapos ang Mars noong 2022. 

Nang ibalik ito bilang Mars Pa More (MPM), sina Iya Villania at Kuya Kim Atienza naman ang nakasama niya. 


Ayon kay Boy Abunda, puwede ring i-revive muli ang programa at pagsamahin sina Camille, Iya at Suzie bilang mga hosts. Maraming viewers ang sumang-ayon sa ideya.





Naayos na ng Comedy King bago namatay… 

MGA ANAK NI DOLPHY, ‘DI NAG-AWAY-AYAW SA MANA



SA 18 na naging anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy, maayos na naipamahagi ang kanyang mga ari-arian sa mga ito. Bago pa siya pumanaw, naayos na ang hatian ng kanyang yaman.


Si Eric Quizon ang pinagkatiwalaan sa pag-aayos at pangangasiwa ng mga ito, sa gabay din ni Zsa Zsa Padilla.


Walang naging isyu sa pagitan ng magkakapatid dahil malinaw ang naging paghahati ng mana. 


Ayon kay Eric, maayos ang relasyon ng pamilya at walang banggaan pagdating sa ari-arian.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page